Yelle Dianne Francine
Seryoso ba sya dun?
Hindi ko sya inimik talaga, nakakahiya man pero ayokong kausapin o pag-usapan yang ganyang bagay. Kasi naman, alam nyang hindi pa ako prepared pa sa usaping ganyan tapos bigla bigla, let's get married agad?
Wala ngang proposal eh, tapos ganun. Ang labas pa, ako ang may kasalanan. Gosh, babae ako dapat mag-inarte. Golly, don't get me wrong here. Pero agad agad, kasal agad? Bakit ganun? Hay nako.
"Ano? Ayaw mo ko kasabay kumain?" Kanina pa sya ganyan, feeling concerned sya.
Simula ng sinabi nya yun parang lahat ng gagawin nya or sasabihin nya may meaning na saakin. Hay nako Dianne bakit kaba ganyan? Masyado kang maganda.
Baka ginagawa na yan dati ni Dave sayo hindi mo napapansin kasi sa iba ang atensyon mo. Bakit nasa kanya ba yung atensyon mo ngayon? Kalokaaaa!
"Ang lalim ng nasa isip mo, tungkol ba yan sa tanong ko kanina sayo?" Kanina pa nanggugulo si Dave, as in literal.
Pasabugin ko 'to eh baka sakaling tumigil sya sa kakakulit.
"Kung yun nga ang nasa isip mo, willing akong mag-adjust. Tara gusto mo ba na mag getaway tayong dalawa?" Nanguusig na hindi mawari itong si Dave eh.
"Ayoko." Kahit gustong gusto ko. Bakit ganun? Bakit biglang nagbago yung pakikitungo ko sa kanya, nagbago din. Ano bang nangyayari sakin?
"Ganun? Bakit ayaw mo?" Bakit ayaw ko? Bakit nga ba?
Kasi naiilang ako sayo. Kaso ang pangit naman kung yun ang sasabihin ko, diba?
"Ayoko muna kasing gumala ngayon. Wala ako sa mood." Alibi pa more.
"Hindi naman ngayon eh, maybe some other time. Paghahandaan naman natin eh, iseschedule naman natin eh.." Pano ko sasabihing ayoko at hindi pwede? Paano ko sasabihin sa bestfriend kong naiilang na ako sa kanya?
"Dave, pwede ba?"
Nagulat sya sa biglaan kong pagsigaw. Bakit ganun? Hindi naman ganun yung intention ko eh, pero bakit naman ganun? Parang guilty ako. Bakeeeet?
Tahimik na sya pagkatapos nun. Bumalik na rin kami ng office, tapos nagwork na kami parehas. Wala ng pansinan after nun. Kaya sobrang guilty ko, diba? Kasi hindi naman talaga yun ang intensyon ko eh. Hindi talaga yun, promise! Promise talaga!
From: Tita
Hija, hindi ka talaga makakapunta? Sayang naman. Pero kung importante talaga sige enjoy!
Ha? What is happening? What is really happening? Anung Importante? Haaay, seriously anung meron sa araw na to? Goodness gracious!
Tinignan ko si Dave, mukhang nagpapack-up na sya, aalis naba kami? Nag asikaso na rin ako, mukhang wala sya sa mood nya ah?
Wala na masyadong tao dito sa office namin, dahil mejo uwian na rin naman talaga. Iniintay ko lang syang ayain ako.
Paglabas nya, nakacoat na sya at ready to go na sya. Nilagpasan nya ako, seryoso? Hindi nya nakita tong ganda kong 'to? Nananadya ba talaga sya? Kasi, naiinis na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Substitute Wife
RomantizmSometimes there are choices that you need to make, even if it's not for yourself. You need to be selfless in times so that someone will be happy. -Yelle Dianne Francine Villanueva A businessman should always taking the risks, even if it is not for...