#38: Moving On

2.8K 61 1
                                        

Yelle Dianne Francine


Pumasok ako dito sa may headquarters ng mga workers. Ang init kasi, wala din naman akong gagawin.


Masaya na ako sa profession na meron ako. Ilang taon din akong nag-aral ng program na pinili ko, malaki din kasi ang sweldo ko kesa sa ibang trabaho.


Maraming nakakalat na resibo, for filling siguro 'to. Pero bakit naman nakakalat? At syempre dahil mabait akong tao, pinulot ko isa isa.


Nakakapagod magpulot kaya umupo muna ako, biglang may pumasok.


Siguro si Dave yun at manghihingi na naman ng mga demand nya. Pahingi ng tubig, gusto ko ng ice cream. Hay nako.


Hindi ko nalang pinansin yung pumasok, kunwari hindi ko narinig. Kunwari walang pumasok.


"Ikaw pala yan." OhmyG! Hindi pala si Dave yung pumasok!!


"Ang init sa labas, nu?" Wag kang lilingon.


Kunwari Dianne, hindi mo sya kilala. Naalala mo yung sinabi sayo ng teacher nyo dati? Don't talk to strangers.


"Dianne.. Alam ko galit ka sakin.. Sana mapatawad mo ko.."


Sana mapatawad mo ko...


What is happening to you? Dianne, kalma! Diba dapat galit ka sa kanya? Dapat galit ka... Kasi iniwan ka nya..


"Alam ko galit ka sakin.. Okay lang kung sasaktan mo ko, sampalin.. Mas maganda siguro kung pugutan mo nalang ako ng ulo.."


Nacalm ko naman na yung sarili ko... Alam ko dapat magalit ako sa kanya..


Hindi na ko galit sa kanya.. Kaso anung sasabihin ko? Okay lang, di na ko galit. Pwede na tayo magbalikan, ganun..


Okay lang, okay na ko. Hindi mo naman sinasadya, kasalanan ko naman.. Ganun ba?


"I want to make it up to you." Stop! Tama na Alex.


"Alex, you have to." Buti nakapagsalita nako.


"Finally! Akala ko napipi at bingi kana." Ayan na naman sya oh! Parang baliw.


"Yan.. Yan.. Nagsmile kana din.." Smile?


Nararamdaman ko hindi na ko bitter, tanggap ko na. Alam ko na sa sarili kong hindi lahat kaya mag intay.


"I promise to make it up to you.. Hangang sa mapatawad mo na ako.." Hindi na kailangan..


"You don't have to do that, Alex." Wow. Nagugulat ako sa sarili ko. Parang casual nalang.


"You know what Dianne, believe it or not. My life was wasted nung nawala ka." Ha?


Dianne, think!!!! Isip ka para maiba yung usapan.. Think!!!!


"Sir, andito ka lang po pala. Hinahanap kana po sa labas." Saved by Ms. Nakano.


Tinignan nya ko na parang nagsosorry sya. Nagsmile nalang ako.


"Maybe some other time natin ituloy yung kwentuhan natin." So may part two?


Umupo sa tabi ko si Ms. Nakano. Pinaalis nya lang si Alex, siguro magpapahinga sya. Nakakatamad kasi maglalabas dun, ibalandra ko yung ganda ko din. Sino mabibighani sa ganda ko? Mga workers?


Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon