#21: Bicol Adventure

4K 81 0
                                    

Dave Miguel Calyx del Valle


Andito na kami ngayon ni Dianne sa rest house namin dito sa Bicol, andito sa may Daet.


May caretaker naman kami dito kaya malinis ang bahay, nasa may bukid itong bahay namin dito kaya tahimik. May kakausapin kasi kaming mga farmer din dito para mag-expand ng isa pang industry. Kaya ko namang ihandle kaya okay lang, gusto ko din kasing gumawa ng isa pang line of work para may sarili naman akong brand, kahit naman nagwowork ako dito sa company namin, andito parin syempre ang loyalty ko.



"Dave! Hindi kapa ba matutulog?" Teka. Bakit gising pa to?




"Bat gising kapa?" Gabi na masyado, bakit gising pa 'to?



"Natulog lang naman ako buong byahe diba? Eh ikaw, bakit gising kapa?" Ang kulit nya talaga


"Nirerelax ko pa yung musscles ko, mejo napagod kasi ako eh.." Nakapatong kasi yung paa ko sa mas mataas na upuan, napagod kasi habang nagdadrive, ang haba din kasi ng byahe namin..


Lumapit saakin si Dianne at kinuha yung isang paa ko at nilagay sa lap nya, minamassage nya ng onti, para na rin makarelax yung muscles ko. Hindi alam ng marami na marunong din magmassage yan si Dianne.


Nag-enroll kasi sya dati ng reflexology, vocational course lang kaya may alam sya sa pagmamassage.


"Feeling better?" Tumango na rin ako.


Inalis ko na yung paa kong nakapatong sa lap nya, baka nabibigatan na rin kasi sya.


"Tulog na tayo?" Pag aya ko sa kanya.

****

Alas singko na nung bumangon ako, gusto ko muna ka ng mag jogging ngayong umaga..

Nagjogging pants ako at sando pati rubber shoes, ganito talaga ako kapag andito, fresh air kasi.


Palabas na ako ng bahay ng bigla akong tawagin ni Manang, yung caretaker ng bahay..


"Hijo, bumili ka ng pandesal dun sa may kanto, masarap naman yun eh." Sabi ni Manang


Naalala ko nung dati, pinapagalitan pa ako ni Mommy kasi ayokong bumili sa labas.


"Sige po Manang, una na ko. Babablik din ho ako agad. Paggising po ni Dianne, pakisabi nalang na nagjogging lang ako." Ngiti na may kasamang tango ang sagot saakin ni Manang

****

Kakatapos ko lang baybayin yung buong lugar, pabalik na rin naman ako ng makita ko yung bakery shop na nagtitinda ng paborito naming pandesal ni Miguelle.

Lumapit ako sa tindahan para tignan kung meron pa silang tinapay..


"Pabili pong 30 pesos na tinapay." Kahit walang tao, malay mo.


"Tustado?"

"Opo." Mukhang hindi na si Aling Sel ang may ari ng tindahan, hindi na nya kasi boses eh.

Maya maya may lumabas na babaeng may hawak ng paperbag. Ang tingin ko nasa around 17-18 years old sya.


Nilapag ko sa lamesa yung bayad ko, 100 pesos yung pera ko kaya kahit na nakuha ko na yung mga pandesal hindi pa ako naalis.

"Yung sukli ko. 100 yung pera ko, ate." Nakatitig kasi sya sakin, hindi nya siguro napansin yung perang nilapag ko


Nakatingin lang sya sakin, mukhang wala ata syang balak bigyan ako ng sukli. Ganun naba kamahal ang bilihin para mawalan na ng sukli ang isang daang piso?


Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon