Chapter 19: The Secret

2.8K 79 5
                                    

Recess.

Paboritong oras ng mga estudyante. Sa oras na ito kasi, walang teacher. Walang subject, walang quiz, walang kahit ano. Ang meron lang pagkain.

Sino ba namang ayaw ng pagkain, di ba?

"Kanina ko pa iniisip kung anong kakainin ko!" Narinig kong reklamo ni Oliver. "Grabe, finally!"

Kasalukuyan kaming nakapila sa canteen. Dito kasi sa St. Therese, kukuha ka na lamang ng tray para sa mga pagkain. Sila ang bahala sa menu. Hindi naman syempre pipichugin lang dahil na rin sa sobrang mahal ng tuition dito. Isali niyo pa ang mga donations ng mga angkan ng mga mag-aaral dito.

"Grabe naamoy ko na yung spaghetti! Sana Italian!" Narinig kong sabi ni Maverick.

"Ang takaw mo talaga!" Pang-aasar ng katabi niyang si Yvette.

Kunwari niya itong tinulak palayo, "Ikaw ba naman makinig sa discussion ni Mr. B, hindi ka gugutumin?!"

Tama naman siya e. Kahit gaano karami ang kainin mo sa umagahan mo, gugutumin at gugutumin ka kung ang subject mo before recess ay ang subject ni Mr. B.

"Hoy! Cade, kukunin mo ba yang sayo o hindi?" Narinig kong sigaw ni Oliver.

Napatingin ako sa counter, dun ko lang napansin na nakahanda na pala yung tray na para sa akin.

Spaghetti at chicken at saka buko pandan at lemonade ng nasa tray. Pagkakita ko palang sa chicken ko, napakunot na kaagad ang noo ko. "Ate pwedeng-"

"Cade matagal pa ba yan, gutom na ko!" Sigaw ni Maverick kaya naman hindi ko na natuloy ang ipapakiusap ko sana. Padabog akong bumalik sa table namin.

Tinitigan naman ako ni Oliver habang nginunguya niya yung manok niya ng may pagtataka sa mukha.

Napansin kong leg ang napuntang part sa kanya. Kung nauna lang akong pumila sa kanya, edi sana nakuha ko yun at hindi itong breast part na lean meat.

Walang gana ko na lamang na hinalo ang spaghetti ko. Bumuntong-hininga ako, mukhang pagtiya-tiyagaan ko nalang tong manok na ito. Mga lean meat din kasi ang nakuha nina Mav at Yvette, kaya wala na akong choice.

"Di mo kakainin chicken mo?" Tanong ni Oliver.

Naramdaman kong sinipa siya ni Yvette mula sa ilalim ng mesa, "Pinagnanasaan mo pa yung kay Cade, kita mo nga't ang payat-payat na niya."

"Yan? Payat? San banda?" Biglang singit ng kararating lamang na si Xander. Ni hindi ko man lang siya napansin.

Umupo siya sa harapan ko, sumingit siya sa gitnaan nina Maverick at Yvette. Nakita ko mula sa mga mukha ng dalawa na naiinis sila sa ginawa niya. Bakit kaya hindi pa magkaaminan ang dalawang to? Halata namang gusto nila ang isa't isa e.

"Bukod sa measurments ng pagiging mabait, alin pa ang payat kay Cade?" Biro pa ni Xander habang pinagpapalit ang mga manok namin.

Ikinatuwa ko ng sobra nang makita kong thigh part ang iniligay niya sa plato ko. "Patawa ka, kung payat yung akin payat din yung measurements ng pagiging humble mo."

"E kung mag-thank you ka nalang kaya?"

"K, thanks." Sabi ko at sinimulan ng kainin ang manok.

"Mav, kakainin mo ba yung chicken mo o hindi?" Rinig kong tanong ni Xander. "Sht bro, the hell? Bakit ka nakatitig sakin?"

Napatingin ako kaagad kay Maverick sa sinabi ni Xander na iyon. Tatawa na sana ako ng malakas sa mukha ni Maverick ngayon ng mapansin kong nakatitig din sa akin sina Yvette at Oliver, "Hala? Bakit? May spaghetti sauce ba ako sa mukha?"

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon