Chapter 31: The Gifts

2.3K 70 2
                                    

Nasa kalagitnaan na kami ng school year. Napapadalas ang pag-uwi ni Catherine ng late dahil sa mga group works, at si mama naman mukhang palaging nago-overtime para kumita ng mas marami kaya naman madalas, ako lang mag-isa ang nandito sa bahay. Ibang klase nga naman ang tadhana ano? Hindi ata talaga kami pinagkikitang magkakapamilya.

Sa mga nakalipas na araw, binabad ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng books kaysa makisalamuha sa iba, at mag-aral kaysa mag-internet pagkauwi ko. Alam ko, sobrang nerd lang ng dating. Pero mas gusto ko nang distracted ako kaysa naman saktan ko sarili ko sa mga bagay na wala namang kwenta, tulad na lamang ng mga masasakit na mga salitang binibitawan ng mga fans ni Xander.

Speaking of Xander, hindi ko ba alam sa lalaking iyon kung anong nakita niya sa akin. Hindi ko rin alam kung anong nakita ko sa kanya. Joke, ang arte ko nalang. Si Alexander Valdez yan no. Kahit naman hindi ako fan ng kumag na yan sa loob ng mahabang panahon, hindi lingid sa kaalaman ko ang kasikatan niya, dahil na rin sa nakababata kong kapatid. Ang akin lang, hindi ko inakalang aabot kami sa puntong ito. Yung magugustuhan namin ang isa't isa, lalo pa ang lumabas mula sa bibig niya na liligawan daw niya ako.

Hindi naman kasi porke sinabi niya iyon, ganun nalang yun. Ang bigat nung mga salitang yun. Maraming consequences iyon. Umaasa nalang ako na naisip ni Xander yun bago niya bitawan ang mga salitang iyon. Ayokong masaktan kapag binawi pa niya yung mga yun, babae lang din naman ako, may pagkabitchesa man, may feelings parin.

*dingdong*

*dingdong*

"Oo pababa na!" Sigaw ko habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko. Kanina pa kasi tumutunog yan, walang tao sa baba dahil wala sina Mama at Catherine, tapos ako naman naliligo. Magsi-six na ng gabi.

Pagkabukas ko ng pinto, tinanaw ko muna yung gate kung sino yung nagdo-doorbell, pero walang tao doon. Kaya naman nagkibit balikat na lamang ako at pumasok nalang ulit sa loob.

*dingdong*

*dingdong*

*dingdong*

Pagkasara na pagkasara ko pa lamang ng pinto, muli nanamang tumunog yung doorbell. Dali-dali kong binuksan ulit yung pinto para mahuli kung sino man yung nanglololoko ng doorbell namin. Pero pagtingin ko sa ikalawang pagkakataon, wala nanamang tao doon. Padabog akong naglakad patungo sa labas, padabog na hinila pabukas yung gate at tumingin sa magkabilang side ng daan para bawalan ang kung sino mang bata ang nantitrip sa akin. Subalit walang sino man ang nasa labas. Maliban na lamang sa isang kahon.

Kumunot ang noo ko pagkakita ko noon, naglakad ako at pinulot ito.

To: Cade lamang ang nakalagay dun sa card na nakadikit sa itaas.

Kahit puno ng pagtataka ang utak ko, nangibabaw naman ang curiosity ko kaya binuksan ko ito. Pagkabukas ko, mabilis pa kay Flash ang paghagis ko palayo ng kahon. Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko, at halos hindi ko maigalaw ang mga paa o mga kamay ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga nagkalat na patay na palaka sa daan na kaninang nasa loob ng kahon. Ni hindi ko man lang nagawang sumigaw dahil sa napakatinding gulat at takot na naramdaman ko.

Sinong nagpadala ng regalong iyon?

***

"Nakakainis! Hindi naman kasi ako yung nauna, Mama naman eh." Madiin na pagrarason ni Catherine sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.

Kasalukuyang nanlalaki at nanlilisik ang mga mata ni mama habang nakatingin kay Katkat at nakapamewang. "Kahit na! Hindi tama yang nakikipag-away ka. Ke-babae mong tao, nakikipag-bugbugan ka?!"

"Sexist mo naman, ma!"

"Anong sexist sexist!" Lalong naiinis na sigaw ni mama. "Catherine ha, hindi tama yang nakakaugalian mong away agad yung sagot mo sa mga di pagkakaintindihan."

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon