Chapter 5: The Deal

4K 117 5
                                    

"Gusto ko pong malaman ninyo na everything was just a misunderstanding. Naging impulsive lang po ako after the concert dahil medyo nabulilyaso yung plano namin ni Alexander. It was supposed to be a surprise for my friend po kaya sobrang affected ako." Sabi ko sakanilang lahat. Binigay ko talaga yung best ko para hindi manginig yung boses ko sa kaba.

May isang reporter na nagtaas ng kamay, "But sa interview, sinabi mo na hindi kayo magkaano-ano ni Alexander, na hindi kayo magkakilala."

"As I said po awhile ago, I was being impulsive lang po-"

"It's actually not her fault. I am to be blame as well." Biglang sabat ni Alexander na ikinagulat ko. "Kasalanan ko kung bakit nabulilyaso ang birthday surprise niya para sa bestfriend niya. Hindi ako sumunod sa pinagusapan, so nagkaroon lang ng tampuhan." Kalmadong kwento niya. Nakakainis, nakashades pa man din siya, hindi naman ako nainform na pwede pala yun. Edi sana hindi ako masyadong nasisilaw sa mga flash ng mga camera ngayon.

Mayroon nanamang isang nagtaas ng kamay, "So ano nga ba ang relasyon ninyong dalawa?"

"We're acquaintances po." I said at the same time na sinabi ni Xander na, "Friends."

Natawa naman yung mga reporters. Hindi ko alam kung yung tawang yon ay maganda o sarcastic e. "So, ano ba talaga?"

"Magkakilala po kami. Ofcourse I know him dahil artista siya, at s-schoolmates po kami. Late enrollee po ako because of some personal problems." Pagsisinungaling ko. Grabe, kinamumuhian ko na ang sarili ko sa pagsisinungaling para lang sa Alexander na to. Pero para sa sarili ko rin naman siya kahit papaano e. "Kaya po wala po dapat gawan ng issue. Everything is just a misunderstanding." Sabi ko, pinilit ko pang ngitian ang mga camera na nakatutok sa amin.

"Sa interview, ang sabi mo, hindi ka fan ni Alexander. May I ask, why?" Tanong ng isang reporter.

Kung hindi lang siguro nakatutok sa akin ang lahat, mapa tao man o camera e siguro binaon ko na yung mukha ko sa mga palad ko. Bakit ba lahat nalang inuusisa ng mga to? "Hindi naman po sa hindi nya ako fan, I like his songs actually. Pero dahil nga po nabulilyaso yung surpresa for my friend because of him, medyo galit nga po ako kay Alexander that time kaya nasabi ko yun. "

"Sinabihan mong mayabang si Xander sa interview, bakit?" Diretsahang tanong naman ng isa pang reporter. Ni hindi man nga ito nagtaas ng kamay o tumayo e, basta-basta lang niyang isinigaw yung kanyang tanong. Grabe, walang awat yung pagragasa ng mga tanong, halos wala na akong time para huminga e.

Napatingin ako kay Mama at Tito Victor na nasa gilid ng stage. Sinenyasan naman nila ako na sumagot na. "Kasi po, he was laughing while he's singing. Ang dating po kasi binibiro pa po niya ako kahit pumalpak yung plano." 

Sinipa ko si Xander sa ilalim ng table para makisakay siya, "Ouch- Ah, yes. I was being a little cocky about the whole situation. Ayoko naman kasing maging serious masyado, I joked about it nalang. Kaso yun nga, umabot sa ganito." Sabi niya, na naging dahilan ng pagtawa ng press. Wow, ang dali lang naman palang papaniwalain ng mga to. 

"Sorry ulit." Pahabol ni Alexander habang nakatingin siya sa akin.

Ulit?! Ulit? Lechugas na lalaking to, pinalabas pa talagang nagsorry na siya sa akin before? E hindi nga kami nag-usap backstage, kahit nga tignan siya hindi ko ginawa. Tapos linagyan talaga niya ng salitang 'ulit' yung sorry niya?

Napansin kong nakatingin sa akin ang lahat, na para bang may hinihintay. "Ah-eh. Sorry din?" Di tiyak kong sabi na parang tinanong ko na rin. Nagsipag-tanguan ang mga reporters at fans ni Xander sa sinabi ko. Aba't parang kasalanan ko nga ang lahat ah. Yung sorry ko lang talaga yung hinintay nila? 

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon