Dahil sa outing ng klase noong sabado, hinayaan kaming maghalf-day ni Mr. Q ngayong monday. Half-day, na kung saan mga hapon na klase lang ang kailangan naming pasukan. Kaya naman, sobrang saya ko. Ngayon ko lang kasi nagawang bawiin ang tulog na napagkait sa akin noong weekend.
Hanggang ngayon, randam ko parin ang pagod na dulot ng outing pati na rin ng shooting. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang sa oras na ito na natapos ko ng matiwasay ang shoot. Na hindi ako pumalpak, at mukhang hindi naman napangitan si Miss Sue sa pinaggagawa ko. Ang sabi niya, pagkatapos ng dalawang buwan, doon lalabas ang mga pictures sa isang catalogue. Bilang isang malaking kumpanya ang Fairytale, hindi na nito kailangang maglabas ng pictures sa ibang magazines o kung ano. Mayroon silang sariling publication.
Kinakabahan ako. Sobra. Kinakabahan akong malaman kung ano ang mga magiging reaksyon ng mga tao. Lalo na yung mga taong nakapalibot sa akin.
Sabi nga ni Miss R pagkatapos ng shoot, mayroon pa akong dalawang buwan para sabihin sa mga taong mahahalaga sa akin ang mga pinaggagawa ko. Kung iisipin, matagal ang dalawang buwan. 60 days. Pero para sa akin, napakaikli lamang noon. Lalo pa't natatakot ako na baka hindi nila magsutuhan ang ginagawa ko. Lalo na si Mama, kapag nalaman niya kung para saan itong ginagawa ko.
Nakaugalian ko nang twitter ang una kong buksan pagkagising ko, kaya naman ang una kong ginawa ay ang magtweet.
Good morning! Scared and excited at the same time for what's about to come! :)(
Ilang saglit lang, sunod-sunod na pagvibrate ng cellphone ko ang naramdaman ko.
Naglabasan ang mga notifications.
May mga nagreply. May masama ang sinabi, at may mga bumati ng good morning pabalik. May 10 na nagretweet at meron ding mga nag-favorite. Normal na lang para sa akin ang makabasa ng mga pamimilosopo at pambabash sa akin. Okay lang ako doon hangga't alam kong may mga taong hindi masama ang tingin sa akin. Na may mga taong nakakaintindi rin sa akin.
Muling nag-vibrate ang cellphone ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi na twitter ang notification kung hindi isang text.
Morning?
Napataas ang kilay ko nang mabasa ito at makitang si Xander ang nagtext.
Good morning rin. Anong kailangan mo? Reply ko sa kanya.
Wanna grab some breakfast?
Lumipad na siguro ang kilay ko sa sobrang pagtataas ko nito. Seryoso ka?
Yep.
Saan naman?
Ako bahala :)
Libre mo?
Yes! Go take bath!
K.
Binaba ko na ang cellphone ko at pinilit na makatayo. Wala na si Catherine, kanina pa siya pumasok ng school. Umalis na rin si Mama at pumasok sa trabaho. Eight o'clock na rin kasi ng umaga. At tutal, wala rin naman akong kakainin dito sa bahay bukod sa cereals, okay nang naisipan nitong si Xander na manlibre.
Na sobrang ikinagulat at ipinagtataka ko habang naliligo.
Kailan pa naging galante itong si Xander?
At buti pumayag ako?
***
"Taho?"
Tumango siya, "Oo, taho."
"Yung libreng sinasabi mo, taho?" Ulit ko sa kanina ko pang sinasabi at kinaklaro sa kanya.
Hindi naman siya napapagod sa pagtango niya, "It's delicious, right?"
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...