"Anong sabi mo, Ma?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Maging si Catherine, napatayo na dahil sa pagkagulat.
Iniiwas ni Mama ang kanyang tingin, "Ang Papa niyo ang vice president ng Fairytale."
"Ganoon mo na ba talaga ako kaayaw na ipagpatuloy to? Si Papa? Vice president ng Fairytale? Ma naman, sumosobra ka na. Alam kong sensitive ako pag dating sa kanya, pero hindi mo naman siya kailangang idamay dito eh." Sabi ko sa kanya. Naguguluhan pa ako sa mga pangyayari tungkol sa pamilya ko, pero hindi naman kasi iyon yung pinag-uusapan namin dito.
"Iyon na nga eh. Hindi ko ba alam sayo't pinipilit mo iyang sarili mo sa Fairytale, e sa malamang at sa hindi, Papa mo lang nagpasok sayo doon!"
Akala ko wala nang isasakit pa yung puso ko pagkatapos ng mga salitang binitawan ni Xander, meron pa pala. At sa sariling Mama ko pa talaga nanggaling ang mga iyon.
Wala na talaga akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak, kahit pa sa harapan ng Mama ko o kahit pa sa harap ng nakababata kong kapatid. Sobrang sakit lang kasi, na makatanggap ng mga ganitong salita sa loob lang ng isang araw sa mga taong pinakamahahalaga sa buhay ko. "Ma, naririnig mo ba yung sarili mo ngayon?"
"O baka naman nag-usap na kayo ng Papa mo talaga tungkol dito? Siguro nagtutulungan na kayo ngayon no?!"
"Ma! Alam mong hindi mangyayari iyon!"
"E wala na nga akong alam tungkol sa'yo hindi ba?! Anong malay ko at baka bukas makalawa sasama ka na sa Papa mo dahil pinasok ka niya diyan sa model-model ng Fairytale na yan!" Sigaw niya. Hindi ko na alam sa mga oras na ito kung saan nanggagaling itong galit ng Mama ko. Sa pagmo-model pa rin ba to?
"Anong nangyayari sayo, Ma? Bakit ka nagkakaganito? Di ba noon gusto mong mapalapit ako ulit kay Papa, e bakit ngayon ganyan na yung mga sinasabi mo?"
"Edi lumabas din yung totoo! Na magkakuntsaba kayo nung walang kwentang lalaking yon. Osya! Doon ka na sakanya, pasensya ka na kung hindi kita mapasok sa modelling ha? Pasensya ka na kung hindi ako kasing yaman ng Papa mo at wala akong sariling kumpanya!"
Bumaba ako sa hagdan at lumapit sa Mama ko, "Ma, hindi ba pweding nagsikap din ako para dito? Hindi ba pweding may nagtiwala lang sa kakayanan ko kaya narating ko to? Bakit ba pinipilit mong si Papa lang ang nagpasok sakin?! Ma, ikaw pa ba talaga yung di nagtitiwala sa akin? Bakit? Hindi ba ako maganda sa paningin mo?" Siguro sobrang childish na ng mga tanong ko, siguro sobrang immature na, pero sobrang punong-puno na yung pakiramdam ko sa mga oras na ito, hindi ko na sila kayang kimkimin.
"Hindi, sigurado akong may kinalaman ang Papa mo dito-"
"Edi kung may kinalaman siya edi sige na! Sige na, siya na yung dahilan kung bakit kinuha ako ni Miss Sue. Sige siya na ang dahilan kung bakit nagawa kong rumampa sa isang Fashion Show ngayon, sige siya na lahat! Pero okay lang! Ma, okay lang." Sabi ko sa kanya na ikinagulat niya. Maging ako ay hindi inaasahan na kahit kailan ay muling lalabas sa bibig ko ang ganitong mga salita tungkol sa tatay ko pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa pamilya namin. "Kasi siya nakitaan ako ng potential, kasi siya tinutulungan akong ipakita sa lahat ng tao kung anong meron ako. Hindi lang ako yung Cade na laman ng scandal na interview tungkol kay Alexander Valdez, na hindi lang ako dapat kamuhian ng masa, na mayroon din silang pweding mahalin na side ko. Ma, mama kita e. Diba dapat ganun din yung ginagawa mo?"
"Pero bakit ganito? Bakit ganito yung mga sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Sa puntong ito, napaupo na ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Bakit kailangang magsabay-sabay ang lahat? Bakit sa gabi pa kung sana akala ko magiging sobrang saya ko?
Saan ba ako nagkamali?
Mali na bang subukang maging masaya ngayon?
"Nakalimutan mo na ba yung ginawa sa atin ng Papa mo, Cade?" Nanggagalaiting tanong sa akin ng Mama ko.
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...