Chapter 11: The Accident

3.3K 88 3
                                    

Teenager ako.

I make foolish and rekless decisions. Pero at the same time, I am young and I make wise decisions. Hindi naman siguro porke this time iniisip ko ang sarili ko ay selfish na agad akong maitatawag. Kung tutuusin, hindi lang naman ito para sa akin. Para rin ito kay Xander, sa mga fans niya at pati na rin sa pamilya ko.

Pero hindi lahat gets ako, hindi lahat naiintindihan ako. At kasama sa mga hindi nakakaintindi sa pinagdadaanan ko ay ang principal ng St. Therese.

"You were wearing the school's uniform!" Galit niyang sigaw sa akin. "Of all places, sa mall pa? Buti sana kung hindi ka naka-uniform e. Now the school is responsible for your misbehavior Miss de Vega. Ang daming nakakita sainyo."

Napayuko na lamang ako. Siguro dahil na rin guilty ako. Nakalimutan ko na naka-uniform ako. Hindi ko man lang nirespeto ang school sa nagawa kong iyon. "Tell me, may iba pa bang student from Westen Heights ang involved sa incident na ito?"

"Wala po." Kaagad kong pagsisinungaling. Hindi ako sigurado kung papaano nakarating sa principal ang mga nangyari. Subalit hinala ko, may kinalaman ang mga fans ni Xander na kasama ko noon sa mall. Mabuti na lang at hindi nila namukhaan yung idol nila.

Huminga siya ng malalim, "Since bago ka palang dito, Miss de  Vega, hindi ko na palalakihin itong issue. Nagawa na rin naming pakalmahin ang media sa nangyari. But, you will still be punished for your misbehavior. You'll be assigned to community service for twenty four hours. I'll have your adviser report your progress. Am I clear?"

"Yes, sir."

"Dimissed." 

Hindi ko na kinailangan pang sabihan ulit. Pagkasabi na pagkasabi pa lamang niya ng 'dismissed' kumaripas na kaagad ako sa pagtakbo palabas ng opisina niya.

Iyon nga lang, pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang nakakasilaw na neon yellow na headband ni Mr. Q. "Hala!" Gulat kong sigaw. "Mr. Q naman!" 

Tinignan ako ng matagal ni Mr. Q, bago niya ako mahinang sapukin. "Ikaw na bata ka, pagkatapos na pagkatapos kitang i-orient, kaagad mo nang sinuway yung rules." Hindi naman siya galit, pero bakas sa boses niya ang disappointment.

"Sorry po, Mr. Q." Paumanhin ko kaagad sa kanya.

"Osya, sya. Halika, wag ka nang mag-attend ng homeroom. Magsimula ka na sa community service mo." Sabi niya. Homeroom nga pala namin sa mga oras na ito. First subject, kaya naman walang ibang estudyanteng nasa labas ng room maliban sakin. "Linisin mo yung mga bintana sa gym. Hanggang recess mo na gawin para dalawang oras kaagad ang tapos, okay lang?"

"Excused po ako sa second subject?"

Tumango siya, "Ako na bahala. Pumunta ka na sa gym, Cade." 

"Sige po, Mr. Q."

***

Hirap na hirap kong dinadala sa mga oras na ito ang timba na may lamang tubig. Nakaipit sa kili-kili ko ang sabon, at hawak ko naman sa isang kamay ang window cleaner. Dahil na rin sa bigat nila, paika-ika na akong naglalakad. 

Sa sobrang kapaguran, pag dating ko sa gym, nabagsak ko nalang sa sahig ang mga dala-dala ko. Napaupo ako sa sahig, hirap sa paghinga. Bukod pa kasi sa nag-igib ako ng tubig, nilako ko pa. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang likuran ng palad ko. Pagkatapos ay kinuha ko na yung liquid soap at binuhos sa timba.

Inilabas ko mula sa bulsa ko ang iPod ko at isinaksak sa tenga ko ang mga earphones. 

Isinawsaw ko yung window cleaner at nagsimula na ngang linisin ang glass windows ng napakalaking gym ng St. Therese.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon