Minsan ba sa buhay ninyo, naramdaman niyo na parang tumigil ang pag-ikot ng mundo? Yung parang nawala lahat ng tao sa paligid, at yung tanging naririnig mo nalang ay yung sarili mo at yung tanging nakikita mo nalang ay yung taong kaharap mo? Siguro iisipin ng iba, nasa isang romance film yung nangyayari sa akin ngayon. Pero hindi e. Pakiramdam ko nilalamon ako ng kahihiyan, linalamon ako ng takot sa mga pwedeng mangyari.
Nabalik ako sa realidad ng lalong lumawak ang ngisi ni Xander. Oo, Xander nalang, wala akong pakialam kung close kami o hindi. Tatawagin ko siya sa paraang gusto ko.
"Kunin mo na, Ate!" Sigaw ni Catherine.
Tinignan ko siya, "Bakit hindi nalang ikaw?!" Irita kong tanong sakanya. Nanginginig yung tuhod ko. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Unfair na yung ginagawa niya. Ginagamit na niya yung kasikatan niya para asarin ako. Hindi naman kasi makatarungan e.
Mukhang hindi na gustong patagalin pa ni Xander ang mga nangyayari dahil siya na mismo ang humila sa kamay ko. Nahila ako patayo at bahagya niyang nilapit ang bibig niya sa tenga ko. Sa wide screen, nakita kong mukhang niyakap niya ako. "Payback's a bitch." He playfully said. Pagkatapos niyang sabihin yun, inilayo na niya ang sarili niya mula sa akin at ngumiti siyang tila inosente.
Akala ko yun lang, pero naramdaman kong hinila ulit niya ako hanggang sa mapalakad ako. Huli na nang mapansin kong paakyat na pala kami ng stage. Lumakas ang tilian sa dome. Marahil ang iba ay naiinggit sa kinakatayuan ko sa mga oras na ito. Pero ako, all I want is to go home and pretend everything didn't happen.
Huminto kami sa gitna. Naninigas pa rin ang buo kong katawan sa kaba. "What's your name?" Tanong ni Alexander sa akin matapos humupa ng tilian.
"C-cade." Nauutal kong sabi sa mic. Tapos ay binulong ko sakanya, "Ibalik mo ko sa upuan ko." Mahina kong utos.Natawa naman siya, pero kunwaring hindi niya pinansin yung sinabi ko. Sinensyasan niya yung isang crew na nakatago sa gilid na mukhang nagugulat sa mga pangyayari. I bet my life na hindi kasama to sa production nila. Tumango lang yung crew at nawala bigla.
Ilang segundo lang siguuro ang lumipas nang bigla nalang may minus one ulit na tumugtog. Seryoso ba to?! Kakanta siya habang nandito ako?
Napatingin ako sa audience, nakita ko sina Catherine at Nichole, walang pakialam sa iba at tumungo sila sa halos harapan ko na at parehong vini-video-han ang mga nangyayari. Mga bwiset! Bakit hindi nila pigilan tong lalaking to sa balak niya? Bakit hindi nalang sila yung sumama sakanya, para ako nalang sana yung nagvi-video sa baba!
When a day is said and done,
In the middle of the night and you're fast asleep, my love.
Stay awake looking at your beauty,
Telling myself I'm the luckiest man alive.
Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life.
Why you take such a hold of me girl,
When I'm still trying to get my act right.Nabalik ang tingin ko kay Alexander nang bigla siyang kumanta.
Seryoso ba talaga to? Baka naman nababangungot lang ako? Lord, please gisingin niyo na ako, hindi po nakakatuwa yung panaginip na to. Bangungot po ito, isang nakakatakot na bangungot.
Sabihin niyo sa aking hindi ko naman talaga nakilala si Alexander Valdez ng personal. Sabihin niyo sa akin na hindi ako nasa stage sa harapan ng libo-libong tao. Sabihin niyo sa aking hindi ako kinakantahan ni Xander. Sabihin niyo sa akin hindi maganda boses niya. Sabihin niyo sa aking hindi siya gwapo, please.
Nagiging gwapo na siya sa paningin ko!
What is the reason, when you really could have any man you want,
I don't see, what I have to offer.
I should've been a season, cause you could see I had potential.
Do you know you're my miracle?
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Fiksi Remaja*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...