Chapter 10: The Rumble

3.4K 88 5
                                    

Nangangalay na sa mga oras na ito ang braso ko kapapaypay kay Nichole gamit ang flat na pizza box na hiningi ko mula sa Yellow Cab. Ready na rin ang isang basong tubig kapag nahimasmasan na siya. Mabuti na lang at tinulungan kami ng mga staff ng Yellow Cab na pakalmahin yung mga taong nakapalibot sa amin kanina. Pero mayroon pa ring iba sa kanila na sumusulyap sulyap pa rin. May nagtataka, may mga nag-aalala.

Thirty minutes na siguro ang nakalipas mula nang mahimatay si Nichole. Thirty minutes na rin sigurong masama ang tingin ko kay Xander.

"Bakit ba kasi yung sinisisi mo? Malay ko ba na ganyan yung magiging reaction niya?" Pagdadahilan niya.


"Sinabi ko na kasi sayo na wag kang susunod. Ang kulit-kulit mo kasi, sinabi nang die-hard fan ka ni Nichole e." Sumbat ko sa kanya.

Kumuha siya ng isang slice ng pizza at isinubo ito. Napaka-kapal talaga ng lalaking to. Nakuha pang kainin yung pagkain ng babaeng nahimatay dahil sa kanya. "E sa wala akong ibang magawa dito sa mall e."

"Edi sana umuwi ka nalang!" Sigaw ko sa kanya. "Hay nako. Pasakit talaga." Reklamo ko.

Naramdaman ko ang paggalaw ng ulo ni Nichole mula sa hita ko. Iminulat niya ang kanyang mga mata at sinuri yung paligid. "Cade?" Mahina niyang tanong.

Hindi ko alam kung bakit, pero imbis na maawa ako sa kalagayan niya, natatawa ako. Loka-loka kasi talaga kaya ayan tuloy nangyari sa kanya. Pero nagpigil ako, "Okay ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Nakatulog ako?" Walang ideya niyang tanong. "Nakatulog ako sa Yellow Cab?"

Dito ko na hindi napigilan ang pagtawa ko, "Gaga, nahimatay ka. Imposible namang matulog ka habang kumakain no."

"Pero panaginip lang yon di ba?" Sa sinabi niyang iyon, napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Panaginip lang yun e. Yung may lalaking naka-hoodie, shades at cap na lumapit sakin, tapos sabi niya siya si Xander. Tinawanan ko lang nung una, pero Cade nung tinanggal niya yung shades niya, si Xander nga!" With feelings na pagkukwento niya.

Umiling ako, "Nich. Relax ka lang muna ha?" Pagkakalma ko sa kanya. "Wag kang sisigaw, wag kang magpapanic." Bilin ko rin.

Kahit na mukha siyang nagtataka sa mga pinagsasabi ko, tumango naman siya bilang sagot.

"E hindi kasi panaginip yun. Totoong nangyari yon, kaya ka nahimatay." Bulong ko sa kanya. "Ayan si Xanderl sa harapan mo, yung lalaking lamon ng lamon ng pizza mo. Wag kang sisigaw please."

Napanga-nga si Nichole sa narinig. Dahan-dahan din niyang iniikot ang kanyang paningin hanggang sa dumapo ito kay Xander na patuloy ang pagnguya ng pizza. Naramdaman ko nanaman ang pagbigat ng ulo ni Nich ang nakita ko rin ang unti-unti na namang pagpikit ng kanyang mata, "Hoy! Ano?! Mahihimatay ka nanaman? Tumayo ka na nga!" Suway ko sa kanya.

"Fren.." Ang tanging nasabi niya habang umaayos siya ng pagkakaupo. "Cade.."

Inirapan ko lang siya. Habang si Xander naman, nginitian siya. "You're Nichole, right?"

"Kilala niya ko." Hindi makahingang sabi ni Nichole sa akin.

Napailing na lamang ako. "Umayos ka nga, Nich. Baka isipin niya siraulo ka, sige." Banta ko sa kanya para naman tumigil siya sa kalokohan niya.

Sa sinabi kong iyon, napaayos lalo ng upo si Nichole. Inayos din niya yung buhok niya pati ang damit niyang nagkagusot-gusot. Nagkunwari pa siyang umuubo at nginitian niya pabalik si Xander. Sa mga oras na ito, gustong-gusto ko nang ipukpok ang ulo ko sa mesa dahil sa inis sa mga nangyayari.

"Maraming nang na-kwento si Cade about you. " Sabi ni Xander kay Nichole. Kaagad ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil sa pagsisinungaling niya.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon