Chapter 28: The Mystery

2.4K 79 4
                                    

Where are you now?



Para sa isang taong kapapalit lang ng number, ako na ata ang pinakamaraming text na narereceive. Walang tigil kasi ang katetext ng barkada sa akin simula ng lumabas ang tsismis. Pati nga si Diana na make up artist ko ay tinetext ako na ikinagulat ko ng sobra. Pero sa kabila noon, malaki ang pasasalamat ko sa kanilang lahat dahil kahit ganoon ang mga laman ng balita, pinili nila na ako ang paniwalaan nila at kahit paminsan ay hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanila, naiintindihan nila kung bakit ganoon ang mga ikinikilos ko.


Pero sa dinami rami ng text na natatanggap ko, sa isang tao lang talaga pinaka-kumukunot ang noo ko. Sa isang unknown number.


Maingat ako sa number ko. Lalo pa't dumadating na sa puntong marami nang nakakakilala sa pangalan ko, at karamihan pa ay hindi maganda ang tingin sa pagkatao ko. Kaya naman hanggat maaari, ayaw ko na kumakalat ito. Hindi lalagpas sa 20 ang nasa Contacts ko. Sina Mama at Catherine, si Nich, si Miss R, si Xander at ang barkada at ilan sa mga nasa Fairytale lang ang nandoon. Kaya hindi ko talaga alam kung papaano nakuha ng taong to ang number ko at papaanong kilala niya ako in the first place. Kung prank ito, maiintindihan ko pa. Pero hindi. Sa tuwing magtetext siya, pakiramdam ko matagal na niya akong kilala kaya naman mas kinakabahan akong makilala siya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming may ayaw sa akin kaya naman natatakot ako sa kung ano ang kayang gawin ng nagtetext na ito.



Please stop texting me if you don't plan on introducing yourself.




Text ko sa kanya.



Ilang oras ang lumipas matapos kong isend yun, wala akong reply na natanggap.



***




Simula ng lumabas ang video ng interview ko tungkol kay Xander, hirap na akong magcommute. Kahit ilang buwan kasi ang mga lumipas, hindi parin nawala ang mga tingin at mga pasulyap-sulyap ng mga tao sa akin. Sabihin na nating nawala na yung ga nagpaparinig pa talaga, pero andun parin yung hindi nila maalis na titig at pananama ng tingin.


Yung lumabas na bagong article, lalong hindi nakatulong sa sitwasyon ko iyon. Nasa bahay pa lang ako ngayon at nag-aayos ako ng mga gamit ko sa school, pero naiisip ko pa lang ang mangyayari sa terminal, sumasakit na yung ulo ko. Nauna nang umalis si Mama at Catherine sa akin. Hinatid siya ni Mama ng maaga sa school dahil may program sila ngayon. Sinubukan akong kausapin ni Catherine tungkol sa issue, pero sinabi ko nalang na wala lang yon. Ganoon lamang ang sinabi ko sa kanilang dalawa ni Mama. Ayokong umasa sila. Alam kong gusto nilang dalawa si Xander. Obvious na obvious naman si Mama na botong-boto siya dun kahit anong mangyari, kahit nung wala pang nangyayari.


Kahit labag sa loob ko, pinilit kong lumabas ng pintuan. Inilock ko ito, at tumungo na palabas ng gate.



Hindi ko naman talaga dapat mapapansin na may nakaparadang white na sasakyan sa harap ng bahay namin, kung hindi dahil sa pagtawag ng may-ari nito ng atensyon ko.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon