Chapter 34: The Anxiety

2K 54 1
                                    

I remember when I was in the 3rd grade, gumawa kami ng isang project tungkol sa mga tatay namin dahil Father's Day. As usual, kailangan naming gumawa ng kahit isang simpleng greeting card man lang.

Pero sobrang close namin ni Papa, ayoko ng simple lang. Nagpabibo ako, gumawa ako ng scrapbook kasi sobra ang pagmamahal at paghanga ko sa kanya. He was my idol, gusto kong maging tulad niya kapag tumanda ako. Siguro ang ibang mga bata, ang nanay ang kanilang ginagaya pero ako, hindi. Si Papa talaga. Mula sa pagkanta, sa pagkadaldal, pati nga sa pananamit. 

When I grow up, I want to be like my dad

I want to love mom and my sister like my dad loves us

I want to help our family

When I grow up I want to be like my dad

I want to be strong

I want to be mighty

I want to be like a superhero

I will always be by my family's side

Like my dad

I want to be like my dad.


"Cade, I think we should go back inside." Rinig kong sabi ni Andrew. Pero yung boses niya, pakiramdam ko napakalayo, parang ang hina. Mas nangingibabaw sa pandinig ko ang malaks at mabilis na tibok ng puso ko.

Bumalik kami ni Andrew sa loob ng restaurant, pinag-order niya ako ng kape at hinayaan munang makapag-isip at mahimasmasan. Mabuti nalang at mahaba ang pasensya niya, hindi niya ako kinausap, kinulit o ano hinintay niya muna ako na sumenyas na kaya ko nang makipag-usap.

"Okay ka na?"

Umiling ako, "Hindi- hindi ako makapaniwala, Andrew."

"Cade-"

"Oo, pumasok na sa utak ko dati na baka iniwan niya kami kasi nakahanap na siya ng iba. Na may bagong pamilya na siya. Pero ni minsan, hindi ko naisip na yung bago niya, ay isang taong malapit sakin. Isang taong halos kalahati ng edad niya. Andrew-" Nanggigigil kong sabi.

Hinawakan niya ako sa kamay, "I'm sorry, Cade."

"There's no reason for you to apologize, Andrew."

"Hindi e. Kung sanang hindi kita inaya dito, edi sana hindi mo na sila nakita."

"Tapos ano? Tuloy-tuloy na lang yung pagiging mukhang tanga ko sa tuwing kasama ko si ate- yung Diana na yun?" Tanong ko, muli ko nanamang nararamdaman ang matinding galit na naramdaman ko kanina. "Hindi. Tama lang na dito tayo nagpunta. Para magising narin ako sa katotohanan hindi ko talaga kilala si Papa, na lahat ng alam ko tungkol sa kanya, puro kasinungalingan. Na hindi totoo yung Papa na inidolo ko noon, na minahal ko."

Bumuntong hininga siya. Alam kong alam niya kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, alam kong maging siya ay nagulat na makita ang Papa ko na may kasamang babae. "So, anong balak mo? Magkikita pa kayo nung Diana bukas para magpractice ng lakad mo?"

"I'll confront her-"

"You can't." Kaagad niyang sabi. "Hindi pwede, Cade. Isipin mo nalang kung anong pwedeng mangyari. Hindi ka na sigurado kung pagbibigyan ka pa ng management mo na magpalit nanaman ng make up artist lalo pa't in two days, run way mo na. Tsaka di ba, sabi mo may natanggal nang make up artist dahil sayo, siguro dati swerte ka lang kaya pinobaran ka ng Fairy Tale, wag mo na silang subukan this time, kasi we'll never know. I think it's better kung palipasin mo muna hanggang sa paglabas ng ads mo. I know it's hard Cade, but for the sake of your job and career, you have to do it."

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon