Chapter 26: The Issue

2.8K 89 9
                                    

"Here I thought, kami lang ni Oliver ang nagkakamabutihan." Sabi kaagad ni Eli pagkaupo na pagkaupo niya sa bakanteng upuan sa tabi ko.


Wala kasi kaming teacher, at halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatayo, nagdadaldalan at wala sa tama nilang mga lugar. Nagkaroon kasi ng biglaang meeting na inansunyo lang pagkarating na pagkarating namin ni Xander sa room. "So, ibig sabihin kayo na ni Oliver?" Masaya kong tanong kay Eliza.


"Wag mo ngang ibahin yung topic. So ano? Anong meron sainyo ni Xander?"


Umiwas ako ng tingin, kahit hindi ako tiyak sa rason kung bakit ko ginawa iyon. "Sa amin? Wala, ayun pareho lang kaming late."


"Weh? Buti sana kung regular classes tayo. Pareho kayong late ngayong hapon lang ang pasok natin? Hmmm.." Nanguusisa niyang sabi. Hindi ako kaagad nakasagot, kaya naman nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. Nagulat ako nang may ipakita siya sa cellphone niya. "E kaninong kamay naman kaya to?"


Tinignan ko naman iyon, at halos lumuwa ang dalawang mata ko sa nakita. "Hindi ko sure ah, pero feel ko, kamay mo yan?"


Pumunit ako ng isang pahina sa notebook ko at nilukot ito at ginawang bola. Binato ko iyon sa batok ng lalaking nakaupo ilang upuan lang ang layo sa akin. Tumingin siya sa likod niya at hinanap kung sinong bumato sa kanya. Napalitan ang galit na itsura niya ng isang ngisi nang makitang sa akin nanggaling iyong papel. Tumayo siya at lumapit sa akin, "Oh? Miss mo kaagad ako?"


"Neknek mo." Irita kong sabi sa kanya. "Ano nanamang pinopost mo sa account mo?"


Kumunot ang noo niya, "Ha? Alin?"


Tinuro ko ang cellphone ni Eli, na kinuha naman niya. Naliwanagan ang mukha niya ng makita niya kung ano yung tinutukoy ko. "Ganda no? Hashtag, photography." Sabi niya na may kasama pang mga hand getsure.


Hinablot ko mula sa hawak niya yung phone ni Eli at tinignan ulit yung picture. Picture iyon ng mga streetfood na kinain namin, yung mga tokneneng, fishball, kikiam, chickenballs, at one-day old tapos ay palamig sa gilid. Pero sa isang gilid naman, nandoon yung kamay ko na may hawak na stick, na mukhang handang-handa ng tumusok ng isang tokneneng. Oo, maganda yung pagkakakuha niya, nagmukha lang panira yung kamay ko. "Wala ka na bang ibang kuha? Yung wala yung kamay ko?"


"Meron."


"E bakit hindi yun yung pinost mo?!" Di ko makapaniwala at inis kong tanong sa kanya.


Nagkibit-balikat lang siya, "Gusto ko lang."


Sasagutin ko pa sana siya ng isa pang panunumbat nang hinawakan ako sa balikat ni Eli, "Hayaan mo na. Wala naman makakapansin niyan." Sabi niya.


"Pero ikaw napansin mo." Pagrarason ko.


"That's because I know Xander will never eat streetfoods alone. Napansin ko lang yung kamay na pangbabae siya. I wasn't exactly sure na ikaw yon. But judging by your reaction now, napatunayan kong ikaw nga yun." Nakangiting paliwanag ni Eliza.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon