Chapter 30: The Courting

2.5K 69 7
                                    

"You knew?" Hindi ko pa rin makapaniwalang tanong kay Xander. Kasalukuyan kaming nasa seashore, parehong nakaupo at nakamasid lang sa dagat. "How?"


"I've been observing you more thank you think."


Napatingin ako sa kanya, "I never thought that you were observing me in the first place, Xander. Tsaka, I thought I did a good job nung outing, wala akong pinagsabihan, liban na lang kay Eli. Did she tell you?"


"No. May isang salita si Eli, no matter how close we are ever since we were kids, ang sikreto ay sikreto. She knows some of my secrets but she never told them to Oliver, and same gpes around for Oliver." Sabi niya. "As I said before, I saw your fear. I saw your eyes. The way you look at the ocean, as if it was beautiful but dark."


"It is." Pagsang-ayon ko sa kanya, kasabay ng muli kong pagtingin sa napakalawak na karagat sa harapan namin.


Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos kong sabihin iyon.


Siguro, si Xander na ang pinaka unpredictable na tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Palagi nalang niya akong nabibigla sa mga ginagawa niya, na para bang alam na alam niya kung kailan ako hindi handa sa mga binabalak niyang gawin. Na para bang sobrang kilala niya ang personalidad ko.


Siguro nga ay marami pa kaming hindi alam sa isa't isa. Pero para sa akin, hindi naman talaga mahalaga iyon. Marami pa kaming oras upang kilalanin ang bawat isa, marami pang pagkakataon ang dadating.


Pagkatapos ng isang napakahabang katahimikan, naramdaman ko ang paghawak ni Xander sa kamay ko. Iniligay ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko, na para bang sinasabing mapagkakatiwalaan ko siya at kung may gusto man akong sabihin ay sabihin ko na dahil makikinig siya.


"It started back when I was a kid." Panimula ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko ituloy ang pagkukwento ko sa kanya. "Dati, gustung-gusto ko kapag pumupunta kami sa beach. Dati, sobrang saya ko kapag naririnig ko na yung tunog ng mga alon. Dati, puro saya lang yung nararamdaman ko sa tuwing nasa harapan ko ang isang napakalawak na karagatan. Pero may nangyari eh."


Tumingin ako kay Xander, "Ni minsan ba hindi ka nagtaka kung bakit wala akong Daddy?"


"I did, once or twice. Pero I just let it go. Each one of us has their own story."


"And you just happen to be interested with mine, ganun ba yon?" Napangiti ako nang itanong ko iyon.


Tumango siya at hindi na muling nagsalita. Nagbalik sa seryoso ang kanyang mukha. "I have a dad, syempre. And we were inseparable. Partners in crime nga raw kasi sabi ng mga ibang nakakita sa amin. Lahat ng bagay na ginagawa ko, alam ni Papa. Lahat ng bagay na alam ko, sa kanya ko natutunan. He was my role model, he was the one whom I looked up to."


"Ramdam na ramdam ko noon na ako yung mundo niya, na ako yung prinsesa niya. That was why, nung may mangyari sa akin sa beach, it was the first time na nakita ko siayng takot... vulnerable. Kung dati, he was almighty sa paningin ko, na parang walang makakatalo o pakakapantay sa kanya, nagbago ang lahat ng iyon nang malunod ako sa beach. He was the one who saved me." Hindi ko mapigilang mapangiti habang kinukwento ko ito sa kanya.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon