Gaano na ba katagal? Araw? Linggo? Buwan?"Cade?"
Humarap ako sa isang pamilyar na boses, sa isang taong matagal ko nang hindi nakikita o nakakausap.
"Ven."
"What brings you here? No offense- but really, why are you here? Uhm, wala si Xander dito-"
"I know, may mall show siya sa Cebu ngayon." Sabi ko sa kanya. "Kaya nga ngayon ako pumunta e, kasi wala siya." Hindi ko rin naman siya masisisi sa pag tanong. Minsan palang naman ako sa buong buhay ko pumunta dito bukod sa araw na ito.
Tumango siya. "Ah... so bakit ka nga nandito? Teka- you know he's in Cebu? You still know what is happening with his life?"
Hindi ako kaagad nakasagot. Anong sasabihin ko? That, yes, nakikibalita pa rin ako tungkol sa kanya. That, yes, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin, naiisip ko pa rin siya?
"Ven, sa sobrang sikat ni Xander, tingin mo ba mahirap alamin ang mga bagay-bagay sa buhay niya?" Tanong ko sa kanya, habang hinahawakan ang isang beatbox na nakadisplay malapit sa akin. Inupuan ko ito at pinagmasdan ang kwarto. Bahagya akong napangiti ng bumalik sa akin ang mga ala-ala nung kasama ko si Xander dito. "It's been so long." Mahina kong sabi.
"Still not getting the answer to my question though." Eksena ni Ven sabay upo sa isang cushion sa harapan ko.
"Honestly... hindi ko rin alam. I just- I just- for some reason bigla kong ginustong pumunta dito." Sagot ko sa kanya. Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko talaga alam kung bakit pagkatapos ng ilang linggo, bigla ko nalamang naisipan na pumunta dito.
Tumayo si Ven, kaya tumingala ako upang tignan siya. "Okay. Dahil nandito ka rin naman na, I want to show you something." Nakangiting sabi niya.
"Ha? Ano naman yon?" Nagtataka kong tanong. Hindi ko na nga inaasahang dadalhin ako ng mga paa ko dito, mas lalong hindi ko inaasahang may ipapakita sa akin si Ven. Oo, kaibigan na rin ang turing ko sa kanya kahit isang beses palang kaming nagkakausap, pero hindi ibig sabihin noon, hindi na ako magugulat sa mga inaasta niyang ito ngayon.
"Basta. Come with me." Aya niya sa akin, tapos ay naglakad siya papasok sa isa pang kwarto ng malaking studio na ito.
Pagpasok ko, nagulat ako nang makitang ito yung silid kung saan ako nagkanta noon. Linapitan ko si Ven na nakaupo sa harapan ng napakaraming mga button o kung ano na kinakalikot niya. "Do you miss him?" Bigla niyang tanong.
"Ha?"
"Xander. Do you miss him? Kaya ka nandito?"
Hindi ko siya sinagot.
Halata rin naman kasi na alam niya yung sagot ko. Kasi kahit gaano pa kasakit yung huli naming tagpo ni Alexander, hindi ibig sabihin noon, basta-basta nalang mawawala yung mga nararamdaman ko para sa kanya.
"I've watched your fashion show with Fairytale, you know. Ang ganda mo don." Sabi niya.
"Wow ha, so ngayon pangit ako?"
Tumawa siya, "Joke lang. Congratulations nga pala! You deserve all of it." Masayang sabi niya.
"Salamat, salamat. Teka, ano ba yung ipapakita mo sakin?" Tanong ko na lang sa kanya. Nakakailang parin kasi para sa akin ang makatanggap ng mga ganoong pagbati. Bago palang rin naman kasi sa akin itong pakiramdam na ito.
"More like ipaparinig." Nakangisi niyang sambit. Tapos may pinindto siya sa harapan niya.
Pagkatapos lang ng isang saglit, biglang may nagplay sa mga speakers na nakakalat sa silid. Napakunot ang noo ko sa narinig. Pamilyar yung panimula ng kanta. "C-counting Stars ba to?" Tanong ko. Isang pilyang ngiti lamang ang isinagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...