Chapter 33: The Walk

2.2K 62 8
                                    


"Slowly, Cade. Slowly."

"Wala akong choice, ate Diana, hindi ko naman talaga kayang maglakad ng mabilis kahit gustuhin ko pa." Biro ko sa kanya.

"Practice makes perfect, Cade."

Bumusangot ako sa sinabi niya, "Pwera nalang kung two days nalang bago ang deadline ko dito." Reklamo ko sa kanya.

"E sino ba kasing hindi nagbabasa ng e-mails niya at hindi chinecheck ang notifications niya?" 

"Oo na! Oo na! Ako na, ako na may kasalanan." Maktol ko. "Pero dapat muna nating sisihin yung mga nag-imbento ng heels na to eh! Pero ate Diana, alam mo bang hindi naman para sa babae kaya naimbento ang heels? Para sa mga butchers, sa mga lalaki, para hindi nila matapakan ang dugo sa sahig. So fastforward to the 21st century, tayo ang nagdurusa sa heels na to?"

Tumawa ng malakas si ate Diana, "I admire your intelligence, but I honestly think you're just making excuses." Prangka niyang sabi.

"Ang sakit kasi." Reklamo ko, sabay upo sa sahig.

Narinig ko ang takong ni ate Diana sa bawat footsteps niya paakyat dito sa runway. "Cade, konti push nalang. Kaya mo na."

"Sus. Dun nga sa boots at flats, hindi ako tuwid maglakad, dito pa kaya sa heels?"

"Hindi naman sa hindi mo kaya eh, hmmm sanay ka lang na hindi ka masyadong feminine maglakad. Kaya understandable ang sitwasyon mo." 

Hinawakan ni ate Diana ang ulo ko, and just like that, I felt assured. Naging close na kami ni ate Diana. At first, Diana ang tawag ko sa kanya dahil yun ang gusto niya, pero habang tumatagal, nalagyan ko na ng salitang 'ate', dahil narin siguro, ganun ang tingin ko sa kanya at ganoon ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. "Ganito nalang, isipin mo nalang yung pwedeng mangyari kapag sumuko ka na sa pagppractice ngayon. Baka sumemplang ka sa show, gusto mo ba yon?"

"Syempre hindi."

"Gusto mo ba na magmukha kang engeng dun habang yung mga kasabayan mong naglalakad, bihasang-bihasa na?"

Umiling ako, "Hindi rin."

"So ano pang inuupo-upo mo diyan? Tumayo ka na, aalalayan muna kita ngayon. Pero, Cade, bukas ah, dapat ikaw na mag-isa. Magpractice ka na maglakad ng may maraming libro sa ulo." Payo niya at habilin niya.

Iniabot niya ang kamay niya na masaya kong kinuha, "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka dito ate Diana. Buti nalang at natanggal yung dati at buti nalang ikaw yung pumalit." 

Bahagyang lumihis ang tingin niya mula sa akin. "O wag naman tayo magdramahan, practice muna." Biro niya. Tsaka na ako inalalayang maglakad. Yung para bang ine-escort niya ako.

"It's true though. Wala akong experience sa make up. Sa kahit anong program sa school non, ayokong magpalagay ng make-up kay Mommy. At ayun nga, dahil nakakawala ng pasensya ang pagiging inexperience ko, may natanggalan ng trabaho sakin. Sinwerte lang siguro ako na ikaw yung pumalit sakanya. Kasi hindi ka naiinis kapag pumipikit ako kahit sabihin mong wag, hindi ka nagagalit pag nakakain ko yung lipstick, hindi ka nagwawala kapag kinakamot ko yung mata ko at nagkakalat ang mascarra." 

Ngumiti sandali si ate Diana, at bigla akong niyakap. "Oo na, nat-touch na ako. I love you too na sige." Biro niya. "Practice na tayo?" Aya niya, na masaya ko namang sinunod.



"Maganda ba sa Paris?" Tanong ko habang naglalakad kami, sinusubukang i-distract ang atensyon ko sa masakit at pagod ko nang paa. 

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon