Minsan lamang makaisip ng ideya itong si Maverick. Paminsan-minsan na nga lang, pero kapag meron na, magsisisi kang hinangad mo pa na nag-isip siya.
Nakuha pa niyang mag-siga at gumawa ng bonfire sa tabi kung san kami mag-lalaro para daw mas feel namin yung revelations.
"Ako unang mag-iikot!" Masaya niyang anunsyo. Wala namang tumanggi, tutal siya rin naman ang nakaisip neto.
Naka-indian seat kami ngayon sa buhangin. Katabi ko si Oliver at si Yvette. Katabi ni Yvette si Maverick, tapos si Xander at si Eliza.
Itinaas ni Mav ang bote bago niya ito ibalik sa buhangin, na para bang binabasbasan niya ito ng orasyon. Itinapat niya muna ito kay Yvette na kinainis naman niya, bago iikot ni Mav ng tuluyan ang bote.
Pero bigla itong tinigil ni Eliza sa pag-ikot, "Are we really gonna play this with her?" Tanong niya sabay tingin sakin. "We barely know her."
"Eli." Pagsisita sa kanya ni Oliver.
"What? Totoo naman di ba? Are you really fine with her knowing your secrets? We know her for like 2 or 3 months." Dagdag pa niya.
"Eliza!"
"Totoo naman di ba, kuya?" Sumbat niya kay Xander.
Noong tinawag siyang "kuya" ni Eliza, nakita ko sa mukha ni Xander na parang natamaan siya ng kung ano. Na para bang torn siya sa mga nangyayari. "Why would we tell her our secrets when she doesn't even know when to shut her mouth?"
"Eli, tama na.." Pigil sa kanya ni Yvette.
"Oh ano? Interview pa more, di ba Xander? Sino pa bang magcoconcert satin para masira na niya rin yung image natin?"
"Eliza, that is enough."
Napangiti ako nang sabihin iyon ni Xander. Pero hindi dahil masaya ako dahil pinagtanggol niya ako. Ngumiti ako at tumayo.
Tumingin kaagad sa akin si Oliver, "Cade you don't have to leave-"
"It's okay. Kailangan ko ring tawagan sina Mama, baka nag-aalala na yung mga yun." Pilit kong sabi sa kanila.
At naglakad palayo, nang walang pinatutunguhan.
***
Alam kong marami akong kasalanan sa buhay. I was never perfect. May kasabihan nga na "Nobody's perfect." di ba? I made mistakes and I will still be making mistakes.
Alam ko naman sa sarili ko yun e. Hindi naman kasi talaga kailangan na ipamukha pa sa akin ang mga pagkakamali ko. Kahit gaano ko pa katagal isipin kung ano bang nagawa kong mali kay Eliza, walang pumapasok sa isip ko. Oo, may nagawan na akong mali sa grupo. At sa pagkakatanda ko, kay Xander palang naman iyon.
Kanina pa ako nakaupo dito sa malaking bato na nahanap ko sa may dulo na ng beach. Thirty minutes kong siyang nilakad bago ako napadpad dito. Siguro ay mag-iisang oras na akong nakaupo dito kung tama ang magkakatantya ko. Hindi ko kasi dala ang cellphone ko, at hindi naman ako tanga para magrelo habang nasa beach.
Siguro nga, nageenjoy na sa pags-swimming sa mga oras na ito. Hindi ko narin alam kung natuloy pa ang spin the bottle nila.
Atleast yung ginawa ni Eliza na iyon kanina, made me realize something. Na hindi ako deserving para sa mga sikreto nila. Totoo naman kasi..
I can't keep my mouth shut.
At isa pa, hindi ko pa sila ganoon kakilala. Bakit naman ako magiging deserving sa mga sikreto nila?
Atleast napakita sa akin ni Eliza ang limits ko sa friendship na meron ako sa barkada.
***
May mga sampung minuto pa ang lumipas nang mapansin kong may kung anong bagay na lumulutang sa dagat. Siguro ay sampung metro ang layo sa kinauupuan ko.
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...