Paano kung matapilok ako sa runway?
Paano kung walang pumalakpak kapag nandun na ako?
Paano kung biglang masira ang damit ko?
Paano kapag naputol ang takong ng sapatos ko?
Paano kami maghaharap ni Diana mamaya sa event?
Iilan lang yan sa mga katanungan rumagsa sa utak ko pagkagising ko kaninang umaga.
Pero ngayong nandito na ako sa venue, wala na akong oras para mag-isip. Lahat mabilis, lahat nagmamadali. Oo, si Diana parin ang nandito para ayusan ako. Pero tila nakafastforward ang lahat, walang nag-uusap kung hindi naman kailangan o kung hindi naman ito nakakatulong sa fashion show.
Ngayon ko lang din nakitang ganito ka-stress si Ms. R. Yung tipong nagsisisigaw siya, halatang natataranta, napapahawak na siya sa kanyang ulo habang sinisita ang mga maling ginagawa ng mga nag-aassist sa kanya sa pag-aayos ng mga susuotin ko mamaya. Natanggal na nga sa pako yung isang kahoy ng pamaypay niya, ginagamit kasi niya itong pamalo sa mga assistant niya.
At sa bawat dampi naman ng brush ko, kasabay nito ang pagdagdag sa kabang nararamdaman ko. Kasi habang tumatagal, at patapos na ang ayos ko, ibig sabihin malapit ko nang harapin ang lahat ng tao sa labas.
Alam kong sikat ang Fairytale, alam kong maraming tumatangkilik sa mga products nito. Subalit hindi ko inaasahan na ganito karaming tao ang pumupunta sa mga fashion show ng brand na ito. Pero syempre, dahil narin siguro ito sa mga artistang dadalo, ang sabi kasi sa akin may mga naimbitahang artista para manuod, at may mga magpeperform din.
Sinong mag-aakala na sa loob lang ng halos dalawang buwan, heto na ako ngayon. Kasabay na aapak sa stage ang mga artistang dati'y napapanood ko lang sa TV.
Lalo lang nanlamig ang mga kamay ko sa naisip kong iyon. Ibig sabihin, lahat halos ng kasama ko dito, bihasa na. Habang ako, wala pang masyadong ideya sa mga mangyayari mamaya.
"Cade, tumayo ka na dyan at isuot mo na 'to." Rinig kong sabi ni Miss R.
Tinignan ko si Diana, kahit awkward, siya parin ang nag-aayos sa akin. Iniwas lamang niya ang tingin niya at tumango siya, ibig sabihin, tapos na ang pag-aayos sa mukha ko. Tumayo ako at lumapit kay Miss R. "Miss R, kinakabahan ako." Bulong ko sa kanya.
"Sa dinami-dami ng ginagawa natin, may oras ka pang kabahan?!" Eksaherada niyang tanong sa akin, pagbabalewala sa effort kong ibulong lang sa kanya yung nararamdaman ko. "Oh ayan, ito yung una mong isusuot." Sabi niya sa akin, sabay abot ng isang baby pink na damit.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, maraming tao ang nasa loob ng kwarto kung nasaan ako. Pero lahat sila, busy sa kanya-kanya nilang ginagawa. "Dito, Miss R?"
"E saan pa ba?" Pambabara niya. Madalas na ganito si Miss R, pero mukhang mas malala siya kapag stressed siya at natataranta. Sa bawat tanong ko kasi sa kanya ngayon, at sa lahat ng sinasabi ko, binabara niya ako. "Gusto mo mauna ka na sa runway at doon ka na magbihis?" Dagdag pa niya. Hindi ko nalang sinagot, may maibabara at ibabara parin naman kasi siya sa akin.
Pasimple kong binuksan ang pantalon na suot ko, nahihiya kasi ako at naco-conscious. Kahit pa sabihin na walang nakatingin sa akin, nakakahiya parin ang maghubad sa harapan ng napakaraming tao. Kaya naman laking gulat ko nalang nang biglang may humablot ng mabilis pababa nito. "Bilis-bilisan mo kaya kumilos no?" Tanong sa akin ni Miss R pagkatapos niyang ibaba ang pantalon ko.
"Huy, Miss R! Dahan-dahan naman!" Reklamo ko. "Mamaya sumama yung panty ko pababa e." Dagdag ko pa na naging dahilan ng pagtawa niya.
"Ikaw talaga. Hoy, isuot mo na nga yan, dali. Lalabas ka na niyan!" Utos niya.
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Novela Juvenil*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...