Porke ba transferee kailangan ipatawag muna sa office ng adviser bago makauwi? Inabot pa ako ng isang buong oras sa loob ng office ni Mr. Q. Sa loob ng isang oras na iyon, forty five minutes akong nakatunganga at fifteen minutes niya akong kinausap at in-orient sa school policies at iba pa. Ikatlong araw ko na to ngayon pero ngayon lang niya ako naisipang bigyan ng orientation.
Hindi ko nga rin alam kung orientation nga yung ginawa niyang yun. Actually, pinabasa lang talaga niya sa akin yung handbook niya na mayroon din naman akong kopya. Mabuti nalang at nalibang ako sa kakatunganga sa office niya dahil na rin nakadisplay yung collection niya ng mga headband niya. May neon colors katulad ng sinusuot niya ngayon, may stripes, may polka dots at meron pa pati aztec.
Tinignan ko ang relo ko, "Grabe, lagot. Five na!"
Natataranta akong napatakbo palabas. Paglabas na paglabas ko, wala nang tao sa parking lot. Wala na rin akong sasakyan na makitang naka-park. "Nakakainis naman. Bakit kasi may orient orient pa, baka galit na sakin si Nich."
"Sinong Nich?"
"Yung bestfriend ko." Sagot ko. "Malamang naiinip na yun ngayon."
"Hinihintay ka rin niya?"
"Oo eh. May usapan kasi kaming magkikita kami ngayon sa mall." Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko. "Naku lagot, lobat pa. Patay talaga ako neto. Mainipin pa man din siya-"
Nakakunot na noo akong napatingin sa lalaking nasa tabi ko.
Laking gulat ko nalang nang malamang si Alexander pala iyon.
"Hindi mo ba alam na mainipin rin ako katulad ng best friend mong yan?" Taas-kilay niyang tanong sa akin. Habang ako naman, patuloy ang panlalaki ng mga mata. Hindi ako makapaniwalang sagot lang ako ng sagot kaninang tanong lang siya ng tanong. Ni hindi ko man nga siya tinignan, diretso lamang yung tingin ko.
Ilang segundo rin sigurong masama ang tingin ko sa kanya bago ako makapagsalita, "So? Ano naman ngayon?"
"Kanina pa kita hinihintay." Nanggigiil niyang sabi sa akin.
Sa sinabi niyang iyon, may kung anong kiliti akong naramdaman sa bandang dibdib, "H-ha? Bakit mo naman ako hinintay?" Nagtataka kong tanong habang iniiwas ko yung tingin ko sa kanya. Kapag kasi nagtatama yung mga tingin namin, naaalala ko yung nangyari sa gym kanina. Hindi ko maiwasan na kilabutan at mailang.
Sinamaan niya ako ng tingin, "Bakit ganyan ka kumilos?"
Napatayo ako ng tuwid sa tanong niya. "Ha? Bakit? Napano ba? Wala!" Natataranta kong sagot. Pinigilan ko ang sarili ko na kagatin ang labi ko at pumikit, tulad ng palagi kong ginagawa kapag alam kong mapapahamak ako. Pinigilan ko rin na batukan ang sarili ko dahil kung ano-ano ang naiisip ko.
Matagal muna niya akong tinignan na para bang sinusuri niya kung nagsasabi ako ng totoo, o para bang iniintindi niya ako. "As I was saying, pinaghintay mo ko."
"Ha? Anong pinaghintay? Sino ba kasi nagsabi sayo na hintayin mo ko?"
"We have to do our project." Paalala niya sa akin.
Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo, "Ha? Project? Yung kay Mr. B? Matagal pa naman yun. Hindi naman natin kailangan nang gawin ngayon yun e." Sabi ko sa kanya. Iniwasan kong matawa sa sarili ko dahil sa inasta ko, nababaliw na ata talaga ako dahil sa mga nangyari. Kung anu-ano na lang ang mga naiisip ko.
"In case you forgot, I'm a busy person. Kapag may free time lang ako pwedeng gumawa ng school works." Sabi niya sa akin.
Hindi ko maiwasang magulat sa sinabi niya. Hindi dahil sa sinabi niyang busy siya, kung hindi dahil sa thought na may "paki" siya sa school works niya. "And unfortunately for us, ngayon lang ang free time ako for the next two weeks."
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Genç Kurgu*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...