Chapter 14: The Contract

3K 91 5
                                    

Dali-dali akong napalayo mula kay Xander. Buong lakas na sinubukang bagalan ang pagtibok ng puso ko, "Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?"

"E bakit mo ba kasi ako hinahanap?" Nakangisi niyang tanong bilang sagot sa nauna ko nang tinanong.

Inirapan ko siya, "Hindi kita hinahanap. Iba ang nagtataka sa naghahanap." Pagrarason ko.

"Ide-deny mo pa, e narinig na nga kita."

"Narinig mo nga ako, pero nilalagyan mo naman ng meaning yung mga sinasabi ko kahit wala naman talaga."

"Aba? Ang sabi ko lang naman, andito ako. Wala naman akong malisya na binibigay sa paghahanap mo ah? Ikaw lang naman tong nag-iisip ng kung anu-ano pang bagay."




Tumigil siya sa pagsasalita kaya naman tinignan ko siya. Isang napakalawak na ngiti ang nakaukit sa mapang-asar niyang mukha. "Bakit?" Tanong ko, subalit hindi siya sumagot. "Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan?" Tanong kong muli sa kanya.

"Wala, wala." Nagpipigil na tawa niyang sagot. Sa sinagot niyang iyon, mas lalo kong naramdaman na may iniisip siyang kababalaghan.



***

"Bruha ka!" Pambungad kaagad sa akin ni Ms. R.

Inilapag ko ang bag ko sa sofa kung saan ako palaging tumatambay sa kanyang botique, "Hala? Napano? Anong ganap?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Nakapamewang siyang lumapit sa akin, itinaas niya ang kanyang kamay at malakas akong binatukan. "Aray!" Reklamo ko. "Bakit ka nananapak, Ms. R? Ano nanaman bang kasalanan ko?" Tanong ko sa kanya habang hinahawakan ang kumikirot kong batok.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Malakas niyang sumbat.

"Ha?" Walang ideya kong tanong. "Ang alin?"

"Yung sa Fairytale, gaga!"

Napakamot ako sa ulo ko, "Ehhhhh..."

"Cade de Vega, magkwento ka ngayon din!" Utos ni Ms. R.



Napabuntong-hininga na lamang ako at sinimulan ko na ngang magkwento. Sinimulan ko doon sa pagpapabili niya sa akin ng ballpen na may disenyong panda hanggang sa makapasok ako sa office ni Ms. Sue. "Edi ayun nga, naisip ko na pwede ring pagkuhanan ng extra yun di ba? Kaya baka tatanggapin ko. Pero hindi pa ako nagpapaalam kay Mama. Feeling ko naman hindi ko na kailangang magpaalam. Sigurado naman akong mga cheverlu lang ang mga ibibigay sa akin ano? Hindi naman yung mga extrangglavu."

"Sira. Kung ano man ang ibigay sayo ni Sue, kailangan at kailangan mo pa rin ng guardian para makapasok." Sabi niya.

Bumusangot ako, "E ayoko naman na isipin ni Mama na papasok pa ako sa ganito dahil lang sa extra income, di ba? Mamaya pigilan ako nun at sabihin pa niya na kay Daddy nalang kami humingi. Ayoko nga." Pagrarason ko. Dahil na rin sa pagtatambay-tambay ko dito, marami nang alam tungkol sa buhay ko si Ms. R. Sa daldal ba naman ng baklang iyan, malamang ay mapapakwento ka talaga sa kanya ng bongga. "Tsaka, teka nga? Papaano mo ba nalaman? Ay wag mo na palang sagutin, alam ko na pala na tsismosa ka talaga by nature." Awat ko sa kanya.

"Walang hiya tong batang to." Suway niya sa akin habang tumatawa ako. "Kaibigan ko kasi si Sue!"

Napatigil ako sa kahahalakhak, "Ay weh?"


"Oo nga. Nabanggit ka niya sa akin nung minsang nagkita kami. Gulat na gulat nga ako nung mabanggit niya yung pangalan mo. At mas nagulat ako nung sabihin niyang gusto ka niyang gawing model!" Kwento niya, pansin kong pinipigilan din niya ang kanyang tawa.



Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon