Chapter 27: The Feelings

2.6K 84 4
                                    

Patuloy ang pagkalat ng iba't-ibang larawan na magkasama ang matinee idol at si Cade De Vega. Mapa sa mall, sa beach o kahit sa isang parke, kitang-kita ang closeness ng dalawa. Hindi tuloy maiwasan ng mga fans ni Alexander, na magduda kung ano na nga ba talaga ang namamagitan sa dalawa.


Matatandaang nakilala si Cade de Vega matapos ang kanyang interview ilang saglit pagkatapos ng concert ni Alexander. Dito ay kayang ipinahayag ang pagka-ayaw niya sa nasabing aktor. Kaya naman hindi maintindihan ng publiko kung papaanong ganito na ang pakikitungo niya sa binata ngayon. Sila na ba? Kinain lang ba ni Cade ang kanyang mga binitawang salita? Totoo nga bang nagkunwari lang siyang galit sa aktor upang magpapansin at maging malapit dito?



"Stop reading those stuff." Utos ni Eli sa akin pagkatapos niyang ilapag ang kanyang bag sa upuan sa tabi ko. "Lagi namang walang katotohanan ang laman ng mga yan."


Hindi ko siya pinakinggan, patuloy ko lamang binasa ang artikulo na nakabukas sa cellphone ko. Kaya naman marahas niya itong hinablot sa akin, "I said, stop reading them!"


"Why would I?!" Naiinis kong hamon. "Tungkol naman sa akin yang mga yan diba? So bakit di ko sila babasahin?"


"Cade, we know better than these articles. Alam nating hindi totoo yung mga sinasabi nila. Don't let them affect you."


Natawa ako sa sinabi niya, "Don't let them affect me? Seryoso ka ba?"


"Cade-"


"Hindi eh! Akala niyo ba madali? Akala mo ba kasing-tigas kita?" Iniwas ko ang tingin ko pagkatapos kong sabihin iyon. Alam kong wala na sa rason ang pinagsasabi ko sa kanya. Alam kong nadadala na lang ako ng galit ko. Pero hindi ko pa rin mapagilan ang sarili ko.


Tumayo na lamang ako at kinuha yung bag ko. Ayoko dito sa school. Ayoko nang maramdaman yung mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga tao. Hindi naman ako kinwestyon ni Eli, kaya naman tumakbo nalang ako kaagad palabas kahit hindi pa nagsisimula ang araw ko sa eskwelahan.



***




Dalawang katok at isang tawag lang sa pangalan niya ang kinailangan kong gawin bago buksan ni Miss R ang pinto sa kanyang botique at mahigpit akong niyakap. Walang salita ang kinailangang sabihin. Basta niyakap lang niya ako at niyakap ko siya pabalik. Pagkatapos noon ay pinaupo niya ako sa sofa na lagi kong inuupuan sa tuwing dumarating ako dito. Naglapag siya ng isang plato ng Mac & Cheese at isang baso ng Honey Blend Iced Tea sa mesa sa harapan ko. Bahagya akong napangiti. Alam ko kasing inaasahan na niya ang pagdating ko, nakaka-touch lang na hinanda niya talaga yung mga paborito ko.


Kumain lang ako ng tahimik, habang nakatingin sa akin si Miss R. Alam ko na maging siya ay maraming gustong itanong sa akin. Hindi naman kasi ako nagku-kwento sa kanya tungkol kay Xander at sa pakikitungo niya sa akin sa mga nagdaang araw. Pero pinili niyang manahimik lang din at hintaying ako na matapos kumain.


Nang matapos ako, linapag ko ang plato at uminom ng konti sa iced tea ko. "Ang sarap talaga dito sa botique mo, Miss R. Walang mapanuring mata!" Biro ko.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon