Bukod sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte, mayroon pang isang natatagong talent ang isang Alexander Valdez. Iyon ang sirain na kaagad ang buong araw ko, kahit na kasisimula pa lang nito.
"Why won't you follow me sa twitter?"
"Why did you follow me sa twitter?"
"I asked first!"
"So?!"
Kanina pa kami ganito sa loob ng sasakyan niya. Thirty minutes na rin siguro mula noong sapilitan niya akong ipasok dito at twenty minutes mula noong nag-ring na yung bell.
Bumuntong-hininga siya, "I saw your tweet this morning."
"So?" Ulit ko.
"You started using your twitter account already, and yet, di mo pa rin ako fino-follow back?"
"Aba? Bakit? Required ba sa Twitter na i-follow ka?" Parang bata kong tanong sa kanya.
"You really enjoy getting in my nerves, Cade?"
Tinignan ko siya, tapos di ko mapigilang mapangisi sa itsura niya ngayon. "It comes naturally na ata kasi." Biro ko sa kanya.
Napasandal na lamang siya sa upuan niya, sabay hawak sa noo niya. "Fine." Maikling niya sabi. "Get out."
"Ha?"
"I said get out!"
Bumukas ang pinto sa side ko, nakita kong ang driver ni Xander ang nagbukas nito. Nag-aalangan akong bumaba ng sasakyan nila. Muli ko sinulyapan si Xander sa loob pagkasara nito. "Hayaan niyo na po muna siya, ma'am Cade. Nagtaping siya ng buong gabi kanina at may kailangan pa siyang puntahan maya-maya lang."
"G-galit ba siya sa kin?"
"Hindi po yan. Pagod lang ho siguro." Sagot naman niya. "Sige po, ma'am. Pasok na ho ako at baka sa akin magalit." Paalam niya.
Tumango naman ako bilang sagot.
Umalis na sila, iniwan akong nanatiling nakatayo at iniisip kung galit ba sa akin si Alexander.
Not that it matters, right?
***
"Huy!"
"Ay Xander!"
"Uuuuuuy!" Pang-iinis ng aking manggugulat, si Oliver. "Anong Xander, ha? Siya ba ang laman ng utak mo simula kanina?"
Umiwas ako ng tingin, "Hindi no. Bakit ko naman iisipin yung kumag na yun?" Pagsisinungaling ko.
"Kumag daw, pero nung ginulat ko pangalan niya yung unang lumabas sa bibig." Pang-aasar niya. "Ano nangyari, ano nanaman ginawa niya?"
"Wala. Maliit lang ng bagay." Matipid kong sagot sa kanya.
Pinitik niya yung noo ko, "Ano nga?! Maliit na bagay e sobrang simangot ng mukha mo?"
"Aray!" Reklamo ko sabay hawak sa masakit kong noo. "Wala nga lang, nag-iinarte lang siya dahil sa Twitter."
"May twitter ka?! Di mo man lang ako fino-follow?!" Para bang di niya makapaniwalang sabi at para bang puno siya ng hinanakit.
Nagulat ako ng biglang lumapit si Maverick at si Yvette, "Ako rin! Follow mo ko!" Sabi ni Mav.
"Uy ako rin, Cade!" Mahinang pakiusap ni Yvette.
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...