Chapter 8: The Stare

3.6K 98 6
                                    

"Ms. R, sabihin niyo nga sa akin, may sakit si Xander no?" Tanong ko kay Ms. R habang hinihintay kong maibigay niya sa akin yung iba ko pang uniforms.

Hindi ako nakatingin sa kanya, nakatitig ako sa mga gowns na gawa niya. Pero malayo sa gowns ang iniisip ko sa mga oras na ito kahit pa saksakan ng gara at ganda ang mga gowns niya ditto sa boutique niya, hindi ko parin magawang tanggalin sa isip ko ang nanyari kanina.

"Sakit?" Narinig kong tanong niya. "Aba, ano namang magiging sakit nun?"

"Pagiging bipolar po."

Nagulat ako ng bigla na lamang may dumapo sa akin na isang maliit pero matigas na bagay. Nahulog ito sa hita ko pagkatapos niya sa ulo ko. "Aray ko!" Reklamo ko. Tinignan ko kung ano ito, only to realize na thimble pala iyon na ginagamit niya sa pananahi.

Kaagad kong tinignan si Ms. R. "Bakit- bakit mo ko nagawang saktan, Ms. R?!"

"Eksaheradang babae to!" Suway niya kaagad sa akin na tinawanan ko lang. "Ikaw kasi kung ano-anong lumalabas mula diyan sa bibig mo e. Yung bibig mo nga yung tinarget ko, hindi yung ulo mo." Sagot niya sa tanong ko.

"Bakit? Concerned lang naman ako ah!"

"Gaga! hindi concerned ang tawag diyan, over reacting na. Sabihan daw ba kasing bipolar ang alaga ko?" Tanong niya habang nakapamewang.

Tumawa ako, "E kasi naman, Miss R. Hindi ko talaga maintindihan yung alaga mong yan." Paninimula ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kay Miss R lang ako komportable na sabihin kung ano ang nasa isip ko.

Sa mga nakalipas na araw kasi, madalas tahimik lang ako sa bahay pati na rin sa harap ng media. Sa school naman, kahit anong subok sa akin ni Oliver na kausapin ako o kahit ng iba pa sa grupo niya except Eliza, madalas tumatango at umiiling lang ako.

Hindi na siguro ako komportable sa mga atensyong natatanggap ko.

Naiilang ako.

Lalo na't hindi naman lahat ng atensyon na iyon, positive. Mas marami nga ata yung negative attention na natatanggap ko e.

Mismong ako nga, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Kasi nung isang araw, nung umaga at sama ng ugali nya, tapos naman nung nagrecess, may bumabang anghel ata sa langit at binudburan siya ng kabaitan." Kwento ko kay Miss R. "Sana nga kinuha ko yung number nung anghel na yun e, para sabihin ko na dagdagan niya. Kasi kapag si Alexander ang pinaguusapan, mataas na dosage ang dapat na ibigay sa kanya."

Ibinato sa akin ni Miss R ang uniforms ko na nakalagay sa isang paper bag. Hindi naman masakit, mabigat lang. "Abnormal ka mag-isip na bata ka. Si Xander ba o ikaw ang may sakit sa utak?" Tanong niya habang may kinakalikot nanaman sa cabinet niya sa may desk. "Pagsabihan ba ng masama yung alaga ko."

"E hindi mo ko sinasagot, Miss R e. Bakit ba ganyan siya?" Tanong ko ulit.

Bigla niyang iniangat ang ulo niya, "E bakit ba intersadong-interesado ka?"

***

Pagkatanong na pagkatanong sa akin ni Miss R noon, kaagad akong tumakbo palabas ng shop niya. Bitbit ko yung mga uniform ko na naka-paper bag.

Naglalakad ako ng walang pinatutunguhan. Si Miss R kasi e. Bakit ba siya ganyan magtanong? Mamalisya ba talaga kapag binabae? May mali ba talaga sa mga tinatanong ko? Masama na bang magtaka ngayon?

E kasi naman, pagkatapos nung incident sa roof top, back to being 'pasakit sa buhay ni Cade de Vega na siya. Hindi na kami sabay na pumapasok sa school, nagco-commute nalang ako tutal alam ko na rin yung daan papunta. Kaya naman hindi kami nagkikita maliban sa room at sa canteen kung saan pareho kaming hindi nagpapansinan.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon