Chapter 7: The School

4K 97 8
                                    

"Hi, uhm.. Cade de Vega. " Pakilala ko naman sa sarili ko.

Natawa naman siya, pero may halong pagkadismaya ang labas. "Seryoso ka? Hindi mo nga ako kilala?" Tanong niya sa ulit habang nagkakamot ito ng ulo. Mali bang magpakilala rin ako pagkatapos niyang magpakilala? Dapat bang may sabihin ako o ano?

"Ikaw si Oliver Garcia?" Sagot ko naman. "Kilala na kita." Dagdag ko pa, sinamahan ko narin ng kaunting ngiti. Pakiramdam ko kasi may ginawa akong masama, o di kaya'y may atraso ako sakanya kahit ngayon lang kami nagkakilala.

"You know what? Now, I really want you to be my friend. Transferee ka di ba?" Sabi at tanong niya. Hindi ko siya ma-gets seryoso. Actually, lahat ng taong mga bago kong nakilala, hindi ko talaga ma-gets. Simula kay Tito Vic, si Xander, si Miss R, at pati na rin itong si Joshua.

Tumango ako bilang sagot, "First day ko ngayon. Halata ba masyado?"

"Hindi naman, it so happens, na kilala ka na ng mga tao dito even before you started going to St. Therese. You know.. the Alexander issue?" Pahina nang pahina niyang sabi.

Napasimangot naman ako nang muli kong maalala yung issue na iyon na pinagmulan ng lahat. "Oy, oy. Wag ka namang sumimangot diyan, ayaw mo ata akong kasama e."

Umiling ako, "Hindi! Hindi naman sa ganoon. Ayoko lang talaga maalala yung panget na yun." Pagdadahilan ko sa kanya.

"Panget? Uh, wait. Yung panget ba na tinutukoy mo is Alexander Valdez?" Tanong niya as realization hit him.

Tumango ako, "The one and only." Sarkastiko kong sabi.

"Come on. Recess na niyan, I want you to meet the gang. I'm sure they'll be happy to meet someone like you." Bigla niyang pag-aya sabay ng pagpatong ng kamay niya sa braso ko at simulan akong itulak paabante.

Pinigilan ko naman siya, "Gang? Hala, san mo ko dadalhin? Gang?!" Pag-uulit ko pa ng tanong. Gang? Ano to? May modus ba sa eskwelahan na ito? Underground deals? Bakit may gang dito, akala ko ba respetado itong eskwelahang ito?"

"No no no no no, the gang, as in yung barkada. Don't worry, they'll like you." Pag-a-assure naman niya.

"And what makes you think na I will like them?" Hamon ko sakanya habang sinusubukan paring mapigil siya sa pagdadala sa akin kung nasaan man yung gang niya.

Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at lumayo. He walked a little hanggang sa makaharap niya ako. Then, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, kaya naman kaagad akong napahakbang patalikod. "Sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin kita sa kanila. Now, if you don't want the easy way, na maglalakad tayo papunta doon... then let's do it the hard way, shall we?"

"Ha-hard way?" Tanong ko naman kaagad.

Instead of a verbal answer, ibang klaseng kasagutan ang natanggap ko. "What the- Oliver!" Tili ko nang makita ko ang kapaligiran, upside down. "Ibaba mo ko! Omygod, nakapalda ako manyak ka!" Sigaw ko ulit sa kanya habang sinusuntok-suntok ang likuran niya.

"It's okay, I got this." Ang tanging sinabi niya. "To my barkada, off we go!" Masaya niyang sigaw.

Ano nanaman ba itong pinasok ko?

***

"Oliver, binigla mo ata e. Takot na siguro itong si Cade sa'yo." Narinig kong sabi ng isang babae. Kasalukuyan akong nakaulala sa kawalan sa canteen nila. Hindi ko ma-focus ang attention ko bunga ng biglaang pagbuhat sa akin ng lalaking hindi ko naman kilala.

Narinig kong huminga ng malalim si Oliver, "Cade, pansinin mo na kami. Sorry na nga kasi. Ang kulit mo kasi e."

"Baliw! Hindi ganyan, pre. Wag mo nang sumbatan." Pagsisita naman sa kanya ng isa pang lalaki na hindi ko alam kung anong itsura.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon