Chapter 36: The Truth

2.1K 55 3
                                    

The show ended with a bang, ika nga. Dahil narin sa pagsulpot ng isang basketball superstar na hindi ko naman alam na superstar na pala talaga. Sobrang saya ko, dahil pagbalik namin sa backstage, everyone was congratulating me.

Ibig sabihin, I did my job well.

Sobrang saya ko, hindi ko na alam kung papaano ko i-e-express. Tipong napapabow na ako sa pasasalamat kapag pinupuri nila ko, minsan naman gusto ko nang yakapin yung nagsasalita dahil sa pagkatouch. Na sa sobrang dami nila at sunod-sunod, nakalimutan ko nang naiihi pala ako simula nung second to the last na rampa ko. 

Hinarap ko si Miss R na laking pasasalamat kong hindi umalis sa tabi ko pagkatapos ng show at sinamahan akong batiin ang mga big bosses at mga staff ng hindi nagiging awkward yung pag-uusap. "Miss R, banyo muna ako." Bulong ko sa kanya.

Tumango siya, "Osige, sige. Bilisan mo, pupuntahan pa natin si Sue pagkatapos." Bilin niya.

Tumungo na ako sa CR na tinuro ng staff na pinagtanungan ko, pagdating ko doon, walang tao. Nagkibit balikat ako at pumasok nalang sa loob ng isang stall.

"You're here already?" Nagsipagtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang bigla akong may narinig na nagsalita. Medyo madilim din kasi, kaya inatake ako ng takot. "Yes, it finished just now. Okay, I'll be going out. I love you too." Paalam niya, si Diana. 


***


Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at ginagawa ko to. Siguro ganito na ako ka-immature, siguro nga ganito na ako ka-desperada. Pero nang marinig kong may kausap sa telepono si Diana, at sinabing susunduin siya, naisip ko kaagad na baka ang Papa ko yon. Naisip ko kaagad na sundan siya.

Siguro gusto ko lang siyang makita pagkatapos ng lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko siyang makita.

Kasabay ng tunog ng takong ni Diana ang pagtibok ng puso ko. Tumigil hindi lamang ako kung hindi ang pagdaloy narin ng dugo sa buong katawan ko nang tumigil si Diana sa tabi ng daan kung saan may nakapark na sasakyan. Binuksan ni Diana ang pinto, "Daddy." Masayang bati niya sa taong nakasakay.

Kumunot ang noo ko sa narinig, Daddy?

Bahagya kong ibinaba ang tuhod ko upang silipin kung sino ang nasa loob. 

Siguro ang Papa ko nga ang sinadya ko sa pagsunod kay Diana, pero ang pagtawag niyang Daddy sa kanya ang hindi ko inaasahan. Daddy? Daddy as in Sugar Daddy? Daddy as in Papa? Ano ba talaga?

"Diana, anak." Mahina iyon, pero narinig ko. Narinig ko kasi yun yung gusto kong marinig na itawag niya sa akin. Narinig ko kasi yun yung gusto kong sabihin niya sa akin. Narinig ko kahit malayo kasi kilala ko siya, sa simpleng pagbuka lang ng kanyang bibig naiintindihan ko na agad siya. Kasi Papa ko siya, kasi dati kami yung magpartner in crime. "Kumusta yung show?" Narinig ko pang tanong niya bago tuluyang isara ni Diana ang pintuan ng sasakyan.

Anak?

Anak ni Papa si ate Diana?

Kanino? Paano? Kailan?

Tama ba talaga ang narinig ko?


"You didn't tell me."



Muntikan na siguro akong iwan ng kaluluwa ko dahil sa matinding pagkagulat. Kaagad akong humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Xander... I-" I'm lost for words, to be honest. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya? 

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon