Chapter 1: The Meeting

8.1K 181 9
                                    

"Sold out nanaman ang ikalawang concert ng kinikiligang si Alexander Valdez sa Big Dome na pinamagatang 'I am Xander' . Talaga namang hindi na mapipigilan ang kasikatan ng binatang ito hindi lang sa mga teens, pati na rin sa mga bata at matatanda. Inaasahan ding lalabas ang panibago nitong album na pinamagatang, 'Lost'. Inaasahang magiging multi- platinum record rin ang nasabing album, katulad ng mga nagdaan pa niyang albums Para sa iba pang mag updates tungkol sa ating teen superstar i-like lamang an gaming fanpage at i-follow kami sa twitter @-."

Kinuha ko kaagad ang remote at pinatay ang napakadaldal naming TV.

"Ate Cade! Buksan mo ulit!" Reklamo ni Catherine na kasalukuyang nakahilata sa sofa at kumakain ng chichirya. "Balita tungkol kay Alexander 'yun! Titignan ko pa kung ano yung username nila sa twitter dahil if-follow ko sila!"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Kaya ko nga pinatay, hindi ba? Sus. Pasikat lang yan, wag mo ngang kabaliwan yan."

"Hay nako ate, ewan ko ba sayo. Ikaw lang ata ang katangi-tanging babae na may ayaw kay Alexander!" Sumbat niya, tipong napatayo pa siya. "Ikaw lang ata yung babaeng hindi nakakaappreciate ng magical voice niya, ng sobrang hot na abas niya at yung kissable lips niya-"

"Alam mo, Cath, nakakakilabot na yang inaasta mo." Walang gana kong sabi sakanya pagkatapos kong irapan yung sinabi niya. Lumapit ako sa kanya para hablutin mula sa kanya yung chichiryang chinichibog niya.

Si Catherine ay younger sister ko. Fan na fan siya ni Alexander Valdez simula pa lang nung magsimula yun sa showbizness- o di kaya simula nang magkaisip tong kapatid ko. Kaya naman lahat ata ng bagay tungkol sa Alexander na yun, alam ko narin dahil sa walang tigil na pag-uupdate saakin ng kapatid ko. Kahit ilang ulit ko kasing sabihin sakanya na hindi ako interesado, hindi siya nagpapaawat.

Lumipat nga ako ng kwarto dahil sa kabaliwan niya dun kay Alexander e. Dati kasi, magkasama kami sa iisang kwarto. Dati yun, kasi pinuno niya ng posters ni Xander yung pader at pinapatugtog niya yung mga album nito 24/7. Yung pagkanta niya ng mga kanta ng kumag na yun kapag sabay kamang pumupunta ng school, kinaya ko pero yung ginawa niya sa kwarto namin? Hindi ko na kinaya yun.

"Kung may dapat mangilabot dito, ate. Ako dapat yun. Siguro tomboy ka? Kaya ayaw mo kay Alexander?" Bintang niya. Hindi talaga paaawat to basta si Alexander Valdez ang pinaguusapan.

"Kung tomboy ako, pwes siya naman bakla. E ano naman kung ayaw ko sa kanya? Di naman magaling kumanta at sumayaw talaga yan e. Lipsync lang yan! Di rin naman ganun kagaling umarte." Sabi ko nalang tapos sinuot na yung sapatos kong pang-school.

Nang bigla nalang may humila sa buhok ko, "Bawiin mo yun, ate Cade!"

"Aray, Catherine! Bitawan mo yung buhok ko!" Reklamo ko habang pilit kong tinatanggal ang mga daliri niyang puno ng cheese powder sa buhok ko.. "Ma! Si Cath!"

Narinig kong dumating si Mama mula sa kusina, "Ano? Sinong sikat? Si Alexander? Oo sikat yun!"

"Ma! Hindi, si Cath sabi ko. Sinasabunutan ako- aray! Catherine!"

Tsaka lamang naintindihan ni Mama kung ano ang nangyayari, "Jusko, Catherine! Bitawan mo nga iyang buhok ng ate mo, bakit mo ba siya sinasabunutan?"

"Ininsulto niya si Alexander, ma." Sumbong ni Catherine.

Ako naman yung sinamaan ng tingin ni Mama. Pareho naming alam na kasalanan ko yun. Pareho kasi naming alam na die-hard fan si Catherine kay Alexander. Kaya umalis lang ng basta-basta si Mama at hindi na kami pinakialaman pa.

"Mag-sorry ka kay Alexander." Utos ng nagwawalang Catherine.

Sinubukan kong bawasan ang sakit sa pamamagitan ng paghawak ng buhok ko, "Wala naman siya dito, baliw ka ba?!"

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon