"Hala?! Anong ginagawa niya dito?! May kasama ba siyang pulis?" Natataranta kong tanong sa kapatid ko. Pati nga siya natataranta e, dumidiin na nga ang pagsuklay niya sa buhok ko e. Hindi ko kasi masuklay ng maayos dahil nanginginig ang kamay ko sa kaba.
"Di ko rin alam, ate. Pareho lang naman tayong andito. Pero wala siyang kasamang pulis. Pero baka may padating-"
Siniko ko siya, "Di ka nakakatulong no, Catherine. Di ka nakakatulong." Sermon ko sakanya. Kinakabahan na nga ako tapos ganoon pa yung sasabihin niya. "Hindi pa ba tapos yan?"
"Tapos na. Bumaba ka na, bilisan mo, naku!" Tili niya sabay tulak sa akin. Ulit-ulit niya akong pinagtutulak hanggang sa makarating kami sa malapit sa hagdan. Kung kanina ay nagkakandarapa kami sa pagtakbo, pagdating doon ay tumigil kami.
Sabay kaming huminga ng malalim, "Okay. Wala lang to. Walang mangyayaring masama sayo. Go Cade!" Page-encourage ko sa sarili ko. Tapos ay dahan-dana akong bumaba ng hagdan. Ginawa kong magaan ang bawat yabag ng paa ko. Habang pababa ako, naririnig kong nag-uusap si Mama. Narinig ko pa nga siyang tumawa, kaya medyo nawala ang kaba ko.
Nang tuluyan na akong makababa, doon ko palang nakita ang manager ni Xander at si Mama na nakaupo sa sofa. May nakahandang juice at tinapay sa harapan nila. "H-Hello po." Nag-aalangan kong sabi.
"You must be Cade." Nakangiti niyang sabi. Tumayo siya at iniabot ang kamay sa akin.
Kinuha ko naman iyon bilang pag-galang. "Opo, Cade de Vega po." Pilit na ngiti kong sabi. Sana na lang hindi niya mapansin na nanlalamig at pawis ang mga kamay ko sa kaba. "Bakit ho kayo nandito?" Di ko mapigilang tanong.
"Cade!" Suway sa akin ni Mama.
"No. No, it's okay." Natawang sabi naman nung Manager. "It's my fault. Biglaan ang pagpunta ko dito. It's okay." Dagdag pa niya. "I just want to speak to you about somethings and businesses."
"Businesses po?" Nagtataka ko namang tanong. Ano namang tinutukoy niya? Bakit napunta sa business yung gusto niyang pag-usapan?
Tinuro niya yung sofa, "Let's take a sit first, shall we?" He asked formally. Ayoko nang 'formally' na yan. Lalong nakakakaba. Pakiramdam ko hahatulan ako ng napakabigat na sintensya e.
"I assume you know what caused me to be here?" Tanong ng manager ni Xander. Lalaki nga pala siya, siguro nasa late 40s niya. Hindi naman ganoon ka-formal yung suot niya na, pero naka long sleeves siya at slacks plus leather shoes.
At alam ko nga kung ano yung tinutukoy niya. Yung interview. Sabi kasi ni Catherine sa akin, naibroadcast daw iyon sa maraming networks sa TV. Hindi ko na tinanong pa kung positive o negative ang reaction ng mga tao. For sure maraming negative doon, kaya tinulugan ko nalang. Hindi ko naman inaasahan na pag-gising ko, kaagad na susugod sa bahay namin itong manager ni Alexander e. "Tungkol po doon, sir. Sorry-"
"I'm afraid it's too late for your apology, Ms. De Vega. Also, hindi ka sa akin dapat na magpasorry kung hindi kay Alexander if ever you will apologize." Pagputol niya sa sinabi ko, pero kalmado parin siya.
Nanlaki ang mga mata ko, "Ay nako, Sir. Kung hindi ako pwedeng sainyo nalang magpasorry, wag nalang pala."
"Cade!" Suway ulit ng nanay ko.
"E wala naman po kasi akong ginawang masama. Nagsabi lang naman ako ng totoo." Pagrarason ko sakanilang dalawa. Totoo naman kasi e. Sinabi ko lang yung totoo, alangan naman magsinungaling ako para sa Xander na yun no. Ni hindi ko nga kilala e. Ang tanging alam ko lang sakanya ay isa siyang malaking pasakit sa buhay.
Umubo kunwari yung manager para muling makuha ang atensyon namin. "I understand, miss Cade. But you see, yung interview na iyon has affected Xander's career. Medyo nakasama ito sa kanyang image."
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...