Chapter 20: The Beach

2.8K 75 8
                                    

Kung tatanungin ako kung ano ang definition ng summer, hindi ko na kailangan magbukas ng dictionary o i-search pa ito sa google. Simpleng tingin ko lang kay Mr. Q, made-define ko na ito.

"You have got to be kidding me." Rinig kong bulalas ni Xander. Lahat kami nakatingin sa teacher naming matingkad pa sa araw. Nakasuot siya ng board shorts na yellow at red, tanktop na yellow at nakasuot pa ang isang salbabidang red sa bewang niya at dalawa sa magkabilang braso niya. Nakasuot din siya ng itim na shades at naka-kupya na kulay red. "Are you fcking serious?"

"Language, Mr. Valdez." Sita sakanya ni Mr. Sun- este Mr. Q. Hindi lamang siya pinansin ni Xander, bagkus tinuon na lamang nito ang pansin nito sa kanyang cellphone. "Okay, class! Ready na ba kayo?!" Puno ng enerhiya niyang tanong.

"Yes!" Masayang sigawan ng klase namin.

"Mabuti naman, ako kasi hindi ako masyadong nakapaghanda." Kumento ni Mr. Q.

Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Habang si Oliver, hindi mapigilang magsalita. "Halata. Kwento niya sa maleta niyang pang-isang bwan ang laman."

"True. Baka nga iyan lang ang masakay sa isang van e." Dagdag ni Yvette.

"Okay so now, you will have to find yourself a buddy-buddy! He/She will be your seatmate in the van and he/she will be you pair in all the other activities sa resort." Utos ni Mr. Q.

Yayayain ko sana si Oliver na maging partner ko pero natigil ako nang makitang matalim ang tingin saakin ng bestfriend niyang si Eliza. Kaya naman kaysa makipagaway pa, hindi ko na itinuloy ang balak ko.

Tumingin ako sa paligid, nagkakagulo ang mga tao. Naghahanapan ang mga magkakaibigan, ang iba naman walang ideya kung sinong magiging kapartner, parang ako lang.

Nakita ko ring marami babae ang halos palibutan na si Xander. Kahit hindi talaga sila nakadikit, nakalapit naman sila dito at sumusulyap-sulyap. Para ngang scene siya sa isang movie, yung pipili yung isang playboy ng isang babae tapos echapwera na lang yung mga natira. Okaya pwede rin na scene galing sa animal planet, yung pipili lang yung babae ng isa sa mga nagbabangayan na mga lalaki.

"Cade! Partner tayo!" Narinig kong may tumawag sa akin.

Pagharap ko, laking gulat ko nang makitang si Yvette pala iyon. "May partner ka na? Tayo nalang!"

"Sig-" Naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang malungkot at naiinis na mukha ni Maverick. "May partner na ko eh. Sorry."

Napabusangot si Yvette. "Si Xander ba? Hay, akala ko naman naunahan ko siya." Maktol niya.

"Ha?" Taka kong tanong sa kanya. Bakit naman niya iisipin na partner ko kumag na yun? "Si Mav ata wala pang partner." Sabi ko kay Yvette sabay kindat kay Maverick, na namula lamang.

"Hmp. Siya nanaman kasama ko? Hay." Reklamo niya. Kunwaring napipilitan, pero deep inside, ramdam mong gusto din naman niya. "Hoy! Baboy! Lika nga dito!" Tawag niya kay Maverick na kaagad namang lumapit sa kanya.

"Sakin lang talaga ang bagsak mo, e no?" Asar sakanya nito, isang sapok ang naging sagot sa kanya ni Yvette.

Ako naman napailing na lamang. Sanay na rin siguro kasi ako sa harutan ng dalawang iyan.

"So, I heard na ako raw ang partner mo?"

"Ay jusmiyo!" Gulat na gulat kong sigaw. "Hoy baliw ka ba? Bakit ka nanggugulat?"

Tinaasan niya ako ng kilay, "Hindi ko sadya?"

Napailing na lamang ako habang hawak parin ang puso ko na napakabilis ang tibok. "Oh? Don't tell me your heart's beating faster dahil I'm near you?"

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon