Chapter 15: The Internet

2.9K 88 10
                                    

"Aba-aba. End of the world na ba mamayang gabi? Magugunaw nab a ang mundo maya-maya? Lord please no! Wag muna! Hindi pa ako nagkaka-boyfriend! Hindi pa marunong magmake-up si Cade! Wag muna, oh please!-" Pinutol ko kung ano man ang susunod na sasabihin ni Nichole gamit ang isa malakas na paghahamapas sa batok niya. "Aray ko naman, friend. Bakit ka naman nananapak?"

"Para tigilan mo yang kabaliwan mo no. Pinagtitinginan ka na ng mga tao, baka isipin siraulo ka." Sagot ko. "Na medyo totoo nga naman." Dagdag ko.

"Aray ko naman, na-hurt ako." Malumanay niyang sabi. "Joke!" Kaagad niyang pahabol. Inirapan ko na lamang siya habang tumatawa siya sa ginawa niyang kaartehan.

Binilisan ko na lang ang paglakad ko na sinabayan naman niya, "Pikon mo naman. Nagbibiro lang eh." Paglalambing niya. "Naninibago lang ako kasi nanlilibre ka. Juskolord, kailan pa natutong manlibre ang Cade de Vega?!"

"Ang sama neto! Nanlilibre naman ako ah?" Depensa ko.

"Kailan?"

"Uh-uhm. N-nung- Noon! Basta noon!" Inis kong suway sa tanong niya. Bakit wala akong maisip na araw na nanlibre ako? Ganoon pala ako kakuripot? "Alam mo Nichole kung ako sayo, wag ka nang mag-inarte diyan baka magbago pa isip ko." Suway ko sa kanya.

Tinignan niya ko ng masama, "Ay ano bay an. Nandito na tayo tapos may chance pa na bawiin mo? Mean mo naman."

"Hmp. Sige na nga. E ano ba kasing ganap? Buti nalang at naisipan mong manlibre?" Tanong niya.

Honestly, dahil iyon sa nabasa kong contract ng Fairytale. Kung gaanon lang din naman kalaki ang makukuha kong sweldo, might as well hindi na ako maging kuripot. Hindi naman din kalaki ang balak kong ipanlibre dito sa Nichole na 'to. Hindi naman kasi siya materialistic, kaya siguro swak ang ugali naming sa isa't isa. "Wala lang. Trip ko lang, ayaw mo ba?"

Hindi pa ako sigurado kung dapat ko bang sabihin sa kanya yung pinapasukan ko. Alam kong dadating at dadating rin ang araw na malalaman niya. Ang gusto ko kasi, may mangyari nab ago niya malaman. Mahirap na at baka hindi matuloy, dalawa pa kaming masasaktan at madi-disappoint. Kilala ko pa naman ding tong bruhang to. Kung pagiging supportive lang naman din ang usapan, hindi siya pahuhuli.

***

Malamang, sa isang pizza store nagpalibre si Nichole. Dalawang pizza ang inorder namin. Isa pa nga lang, kulang na sa kanya, makikihati pa ba ako? Pareho kaming mahilig kumain, nakalamang lang to ng konting bilis sa metabolism sa akin.

"Oo nga pala, kumusta na si Xander?" Tanong niya habang nginunguya yung pizza niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Xander? Himala ata na hindi ka namumula at kinikilig sa tuwing binabanggit ang pangalan niya?" Kwestiyon ko sa kanya.

"Syempre naman no! Tropa na natin siya ngayon, dapat casual lang!" Malakas at masaya niyang sabi.

"Ha? Ano naming pinagsasabi mo diyan? Anong tropa?"

Ngumisi siya, "Girl, close na kami ni Xander ngayon. Fino-follow na nga niya ako sa twitter at sa IG! Nako kailangan mong makita yung mga mukha ng mga kaklase natin nung pagka-umaga pagkatapos niya akong i-follow. Ha! Priceless, priceless, priceless!"

"May twitter ka?" Ang tanging naitanong ko sa kanya.

Tinignan niya ako na tila ba isa akong alien o kung anong galling sa ibang lugar, "Girl, lahat naman ng tao meron na! Si Katkat nga meron na e." Tapos bumusangot siya. "Nauna nga siyang finollow ni Xander kasya sakin." Reklamo niya.

"Bakit hindi ko alam na nangyayari na pala tong mga to?"

"Nu ka ba, palagi ka nga nandun sa baklang gumagawa ng damit. Malamang hindi mo alam." Pranka niyang sagot sa akin.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon