Napuyat ako kagabi.
Hindi kasi ako makatulog. Hindi ako pinatulog ng bwiset ng twitter na yan. Kaya naman hindi ko masyado naa-appreciate na may tumatawag sa akin kahit sobrang aga pa at sabado ngayon.
Kinapkap ko ang cellphone ko na kanina pa ang nag-wawala at gustong magpasagot.
"Hello?"
Tanong ko kaagad sa kabilang linya ng hindi man lang binabasa kung sino iyong tumawag.
Jusko day! Cade!
Napakunot naman ang noo ko nang ma-relize na Miss R sang tumatawag kanina pa, "Po? Ano pong meron?"
Bumangon ka diyan at pumunta na sa botique bilisan mo!
"Bakit? Mamaya na, inaantok pa ko."
Kagigising mo lang?! Hoy bata ka! Nakakahiya kay Sue kapag na-late tayo!
"Sue? Si Miss Sue? Bakit ano ba meron? Kikitain natin siya?"
Magcacamera test ka ngayon gaga!
"Ano yon? Magsskype ako ngayon? Camera test?" Antok na antok at gulong-gulo kong tanong sa kanya.
Hindi-hay! Basata bumangon ka nalang diyan at pumunta dito, kung ayaw mong mademanda dahil hindi mo sinusunod ang kontrata mo sa Fairytale!
***
Malamang e napatakbo ako ng hindi oras sa botique ni Miss R. Pakabahin daw ba ako ng sobra sa sinabi niya?
"Wala ka namang sinabi na may ganun ngayon, Miss R e. Sabi mo soon pa." Pagrarason ko.
"Sira. Yung shooting mo yung soon, pero yung camera test ngayon na! Hindi mo ba binasa yung kontrata mo? Nandun yung initial sched mo ah?"
Napakamot ako sa ulo ko, "Ganun ba? Di ko napansin?" Nahihiyang sabi ko sa kanya.
Inirapan lang naman niya ako, pero mukhang di naman siya galit. Nagpaypay siya ng dalawa pang beses bago isara ang kanyang yellow-feathered fan, "Halika na nga. Kunin mo yung suitcase dun sa stock room at sumunod ka na sa sasakyan."
"Sure. Sure." Nakangiti kong sabi.
Dali-dali naman akong tumungo roon sa sinasabi niyang stockroom at hinanap yung suitcase. Nakakita ako ng isang hot pink na suitcase, kaya naman natitiyak ko na iyon ang tinutukoy niya. Itinaas ko ang handle nito at hinila na ito palabas ng sasakyan.
Paglabas ko, kinuha at iniligay na ng driver ni Ms. R ang suitcase sa likod ng sasakyan para sa akin.
Humihingal akong binuksan ang pinto at umupo sa tabi niya.
Nagulat ako ng may i-abot siya sakin, "Oh."
"H-ha?" Nagtataka kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang pagkain mula sa isang fastfood chain ang ibinibigay niya sa akin. Sumabay pa rito ang saktong pagkalam ng sikmura ko.
"Alam kong di ka na nakakain sa pagmamadali. Kaya, ayan na." Mataray niyang sabi.
Hindi ko naman mapigilang hindi mapangit sa pag-iinarte niya, "Yiee! Hindi niya ako matiis!" Pang-aasar ko sa kanya.
"Che!"
Tumatawa ko na lamang binuksan ang ibinigay niya at dali-daling kinain iyong cheeseburger sa loob. "Mahinay-hinay ka naman, baka mamaya nakalobo yong tiyan mo sa mga pictures!"
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...