Chapter 13: The Answer

3K 93 20
                                    

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya.

Ako naman, nanatiling dilat na dilat at hindi makapagsalita dahil sa gulat. "Nagbibiro po ba kayo? May camera po bang nakatago dito sa loob?" Parang nasisiraan kong tanong habang pabirong tumitingin-tingin sa kabuuan ng kwarto, mabuti na lamang at napigilan ko ang kagustuhang usisain pati ang ibaba ng desk niya.

Ako? Model? Sigurado ako na puputok ang tiyan ni Catherine sa katatawa kapag nalaman niyang may nag-alok sa akin nito. Baka mismong kapatid ko na ang magpadala sa kanya sa isang mental hospital.

"Ano ka ba, you don't have to be humble when you're with me. Maganda ka. And I want you to be the new face of Fairy Tale." Sabi niya pagkatapos niyang abutin at hawakan ang kamay ko. "Now, can you tell me what your name is?"

"Cade po, Cade de Vega." Nag-aalangan ko pa ring sagot sa kanya. Hindi naman araw-araw mayroong pumupuri sa akin ng ganito, at kung may pupuri man, hindi naman ganito karami ang natatanggap ko.

Nabigla ako nang biglang siya naman ang nanlaki ang mga mata, "Oh my goodness." Sabi niya.  yung pagkakasabi niya ng "oh my goodness" parang sobrang sosyal. "Ikaw si Jane?" napataas kaagad ang kilay ko sa itinanong niya. kilala niya ako? tagapamahala ng isang malaking branch ng Fairy Tale? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa hindi ko malamang rason, tapos ay nagkunwari siyang umubo. "You're the girl na pinaguusapan ng lahat? Oh my, what a coincedence?" Ang sunod na sinabi niya.



Natigil ako sa reaksyong ibinigay niya.

oo na pala, kilala niya ako dahil doon.

"Nagbago na po siguro ang isip niyo no? Hindi po ako pwedeng maging model niyo, hindi naman po ako dapat tularan ng mga teens." Walang gana kong sabi sa kanya.


Bakit nga ba naman nila kukunin ang isang eskandalosang tulad ko? Bakit nga ba nila ako kukunin e sa mata nga ng lahat, ako ang kontrabida.

Itinaas niya ang mukha ko sa pamamagitan ng pag-angat sa baba ko gamit ang kanyang kamay, "You can, and you will be our model.. that is if papayag ka. Kinuha kita even before I knew you were that Cade. Nakikita kong palaban kang tao, and that's what I want the fairy tale teens to admire. Think of it as a pambawi, redeem yourself by showing your haters na you are stronger than they think. Okay?"


"Maraming, maraming salamat po Miss..."



Natawa siya ng bahagya, "Sue, Miss Sue."



"Thank you very much po, Miss Sue! Pero, kailangan ko po munang pag-isipan to. Hindi naman po sa nagmamaganda ako, pero kailangan ko rin ho kasing isipin ang school ko."



"Oh, di mo nay un kailangang alalalahanin. Kami ang mag-a-adjust para sa schooling mo." Nakangiti niyang sabi.

"G-ganom ho ba? Sige po, tignan nalang po natin." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Kung ikaw an gang tatanungin, ikaw ba pumapayag na, Cade?"

Ngumiti lamang akong muli bilang sagot.





***









Madilim na nung makarating ako sa harapan ng bahay namin. Nakapatay na rin ang ilaw sa kwarto ni Catherine. Madalas na akong ganitong oras na umuuwi. Marahil sanay na silang dalawa ni Mommy sa akin. Sinasadya ko talaga na hindi ko na sila madatnan pang gising. Hindi dahil sa nagrerebelde ako. Hindi lamang ako handa na makausap sila ng masinsinan at ayokong makita sila na namo-mroblema nang dahil sa akin.

Nagtetext naman ako, subalit hindi ako nagpapaalam. Sa tuwing nagtetext ako, sinasabi ko lang kaagad na hindi ako uuwi ng maaga. Alam naman ni Mommy na madalas kay Ms. R ako tumatambay kaya siguro hindi na siya masyadong nag-aalala.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon