"Wow." Ang tanging nasabi ko.
"I know." Pagsang-ayon ni Xander sa sinabi ko. "It's pretty big, right?"
Tinignan ko siya na para bang nagbibiro siya, "It's huge, Xander! Tapos all these instruments, and stereos."
"You know about Music?" Nakataas na kilay niyang tanong.
Nagkibit balikat ako, "Xander, nag-aral ako, and we happend to have that subject called MAPE?" Sarkastiko kong sabi sa kanya. "Pero seriously, I think this place is brilliant. Hands down."
Sobrang astig ng recording studio niya, kumpleto ito. Pero syempre, si Alexander Valdez to, lahat ng album niya #1 sa lahat ng radio stations, charts o kung anu-ano pang awards ang pwedeng matanggap.
"Xander!" Tumingin ako sa lalaking kapapasok lang, nakabonet ito na marron at nakaleather na jacket. Sa palagay ko ay nasa late 30s na siya. "Dude, di mo sinabi na pupunta ka ngayon." Sabi niya habang naghahandshake sila ni Xander. Yung pagbati na parang gumawa pa sila ng sarili nilang hand gestures.
Tumingin sa gawi ko si Xander, doon lang ata ako napansin nung lalaki. "Oh, nagdala ka ng babae." Sabi niya na tila hindi siya makapaniwala. "Nagdala ka ng babae sa studio." Sabi niya ulit.
Umiling si Xander, "Ven, si Cade. Cade si Ven." Pakilala niya sa amin. Kumaway lamang ako bilang pagbati, dahil medyo naiilang parin ako kay Ven. Nakatitig kasi ito sa akin. "Ven, matutunaw si Cade. Off limits yan."
Pinalo ko kaagad si Xander sa balikat niya, "Sira ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Nadala ka ng babae sa studio." Isa pa, iisipin ko sirang plaka na talaga itong si Ven. Laking gulat ko nalang ng bigla niyang yinakap si Xander at tumalon-talon. "Bro! Lalaki ka nga!"
Hindi ko mapigilan ang paghalakhak ko sa sinabi niyang iyon. Akala ko kasi magagalit siya. Yun pala, masaya siya. Marahas siyang tinulak ni Xander palayo, "G*go. Kadiri ka lumayo ka nga sakin." Banta niya.
Kaagad akong nilapitan ni Ven at hinawakan sa kamay, "Salamat at pinatunayan mo sa harap ko na hindi bading tong alaga ko."
"Hindi ko talaga alam kung anong ginawa ko, pero you're welcome." Tumatawa ko paring sabi sa kanya.
"You're the first girl Xander ever brought here!"
"I am?" Gulat at nagtataka kong tanong.
Tumango si Ven, "Thank God!" Sigaw niya.
"Tumigil ka na Ven." Awat sa kanya ni Xander. "Ven here is the one who I record my songs with. Siya lang. We play the instrument together, compose my songs and edit my songs together."
Nginisian ko si Xander, "Like adding auto-tunes or something?"
"Nope." Si Ven ang sumagot sa akin. "Xander here, is a freaking natural. Hindi na niya kailangan ng edit. Pero oo sige, konting edit din minsan." Pilyo niyang dagdag.
Siniko kaagad siya ni Xander pagkatapos niyang sabihin iyon. "Which brings me back to the reason why I came here." Sabi ni Xander. "Aside from wanting Cade to see where I work, you said you wanted me to see something?"
"Ah! Oo nga pala. It's at the back."
"Sige, I'll go check it out. Cade, is it okay if you stay here for a while? Medyo magulo at madumi sa likod e." Paalam niya.
Tumango ako, "Oh, sure, no prob."
Pagkatapos kong sabihin iyon, umalis na silang dalawa ni Ven papunta sa likod daw ng studio. At ako, naiwan sa isang napakagandang studio. Bilang palagi akong natatalo ng interes ko, pumasok ako sa loob ng pinto. Ang studio ay nahahati sa dalawa, nahahat ito ng isang glass window. Sa kinatatayuan ko kanina, may kung anong machine na maraming buttons at kung ano pa. At dito naman sa kung nasaan ako ngayon ay puno ng instruments. May keyboard, tatlong acoustic guitar, ibat-ibang klase ng electric guitars, may drum set, at isang cabinet din na may mga instruments na hinihipan, at meron ding isa pa na may laman ng iba't ibang klase ng string instruments gaya ng ukelele at pati narin ng violin. Sa gitna ng studio ay may mic na mukhang nakasabit sa ceiling. Sa tabi nito ay nagkalat ang maraming bean bags na kulay red.
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...