"So, you're telling me, pumunta ka dito para sa project na binigay ni Mr. B?" Pag-uulit ko sa rason na ibinigay niya sa tanong ko kanina.
Tumango siya, "Yes."
"On a saturday evening?"
"Oo."
"Xander! Sabado ng gabi, pupunta ka sa bahay ko para gumawa ng project?!" Di ko makapaniwalang tanong sakanya.
Tumango lamang siya at ngumiti, "Yep."
"No."
"What?"
"Ang sabi ko, no. Ayoko, pagod ako ngayon. Umuwi ka nalang." Taboy ko.
Umiling siya, "No can do. Umalis na yung driver ko, and he won't be here until 10."
"Ano?! Iniwan ka ng driver mo? Bakit mo naman kasi pinayagan? 10?! Bakit ang late? Alam ba to ng mama mo? Alam ba to ng mama ko?!" Hindi ko na alam kung si Xander pa rin ang tinatanong ko sa mga oras na ito.
Hinanap ng tingin ko si Mama at nakita ko siyang nakangiti lang sa akin mula sa kusina. Tapos nakita ko rin sa likod niya si Catherine na nakakasigurado akong may kinalaman sa pagpayag ni Mama na magstay si Xander sa bahay.
Napaupo na lamang ako sa isang sofa, katapat ng inuupuan ni Xander.
May inilapag si Xander sa mesa sa gitnaan namin. Pagtingin ko, mga bond papers iyon. "Okay, we're done brainstorming, now we do the draft."
"Ang GC mo pala talaga no?"
"So how should we start this?"
"Hindi uso procrastination sayo?" Tanong ko ulit.
Nakita kong bumuntonghininga si Xander. Na para bang nagpipigil siya, "In case you're forgetting, Cade. I am working. I'm an artist. I procrastinate alot of things, hindi na kasya dun ang school stuff. So now do me a favor, let's start this already."
"Pero ang aga pa! Sa end pa ng term yan. Tsaka inaantok na ko..." Reklamo ko. Madami lang talaga ako alam na sabihin, pero in reality, tinatamad lang ako. Kadalasan naman kasi ng lahat ng schoolworks ko, last minute kong ginagawa. Hindi ako sanay na ginagawa ang isang school related stuff, a month before yung deadline niya.
"Cade, kumain na kaya muna kayo para mawala yung antok niyo." Narinig kong tawag ni Mama.
Kulang na lamang talaga ay magdabog ako sa sahig. Bakit ba ginagawa sa akin ng nanay ko to? Gustong-gusto ba niya akong nakikita na nagdurusa?
Tatanggi sana ako nang maunahan ako ni Xander sa kanyang pagtayo, "That's a great idea po, tita. Thank you po!"
Napakabait, muntikan na akong masuka. Ano ba tong arte nitong kumag na 'to? Dadating-dating siya dito ng biglaan, tapos magbabait-baitan?
Di kaya may tinitira na to?
Kaagad akong napatingin kay Xander. Tinitigan ko yung mga mata niya, pero hindi naman sila namumula. Tinignan ko yung katawan niya, hindi naman siya namamayat- actually malayo siya sa payat.
Naalala ko nanaman yung tweet nung isa niyang fan. Na naiimagine niyang nagwawalis si Xander ng hubad-
"Ate Cade?"
"Huh?" Wala sa sarili kong tanong kung kanino man.
"Nasa kusina pa ang ulam, wag kang resourceful."
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...