"Mama, ang daya talaga. Gusto kong sumama sa school ni Ate." Pauli-ulit na sabi ni Catherine sa may likuran ko. Kasalukuyan kasi akong nasa harap ng salamin sa mga oras na ito.
Pinagmasdan ko ang sarili ko. Ganito ba talaga yung uniform nila? Bakit parang ang ikli ng palda? Nasa saktong itaas lang ng tuhod ko yung end ng tela, ganoon siya kaikli. Tapos, nakahighscocks pa. Yung pag itaas naman, plain na white long sleeves lang, since yung palda ay parang jumper, navy blue pero may print. "Ma, feel ko korean ako." Wala sa sarili kong sabi.
Feeling ko ako si Geum Jan Di sa suot ko. "Ay nako, ate Cade. Ganyan talaga ang uniform sa Western Heights! Big time yung mga estudyante doon. Twenty nga lang ata kayo niyan kada-room e. Tapos, yung mga kaklase mo either anak ng mga politicians, mga artista, anak ng company owners okaya naman stock holders! Kaya mahiya ka sa balat mo, ate. Alagang Belo siguro yung mga tao dun."
"Yung totoo, Catherine? Pati talaga yon alam mo?" Di ko makapaniwalang tanong. "Tsaka bakit? Makinis din naman balat ko ah!"
Tumango naman siya bilang sagot, "Oo naman! Kung gusto mo, ikwento ko pa sayo yung student life ni Alexander from pre-school e. Sige na sige na, kung ano mang gusto mong isipin."
"No thanks. Cath, wag na." Kaagad kong pigil sa kanya.
Humarap ako kay Mama, "Grabe naman pala yung school nila, Ma. Ngayon ko lang narinig na may ganun palang school! Ang daming arte naman niyan."
"Cade, syempre ganoon talaga. Inaalagan kasi ng mga parents nila yung privacy ng mga anak nila, kaya naman konti lang talaga ang nakakapasok doon. Alam mo ba, balita ko nga, two hudred fifty thousand daw yung tuition ninyo, international school ata kayo e." Dagdag pa ni Mama.
Napahawak nalang ako sa noo ko. "Jusko, buong highschool ko na yung masusustentuhan sa perang yon. Grabe, pakiramdam kong magmumukha akong alipin sa mga tao dun e." Sabi ko.
"Hindi ah! Ang ganda-ganda mo kaya, anak." Kaagad namang papuri ni Mama.
"Salamat sa support, Ma. Pero sa paningin mo lang ako maganda." Sabi ko habang sinusuot yung salamin ko. Nagsusuot talaga ako ng salamin, mataas na nga yung grado ko e. Near sighted kasi ako kaya ganoon.
Nakita kong kumunot ang noo ni Katkat sa salamin, "Ew. Ate, mag contact lense ka nalang kasi!"
"Ayoko nga. Mas gusto kong nakasalamin no. Masakit ata yung contact lense e. Baka mabulag pa ako pag gumamit ako ng ganun." Pagtanggi ko. Ilang beses na ring sinuggest sa akin ni Cath at ni Mama ang pasusuot ng contacts, kaso natatakot ako baka kasi mabulag ako.
"Magpaganda ka naman, ate. Ang daming big time dun, chance mo na!" Sabi pa ng magaling kong kapatid.
Humarap ako sa kanya, "Ganoon na ba talaga ako kapangit sa paningin mo, mahal kong kapatid?" Sarkastiko kong tanong. Tumawa lang si Mama. "Tsaka ano ka, mag-aaral lang ako dun no. Ikaw talaga, ang bata-bata mo pa, ganyan na nasa isip mo." Dagdag ko pa.
Hindi sila nagsalita pareho, pero alam kong natatawa sila.
"Pano ba to? Bibigyan mo ba ako ng baon at pamasahe? Hala saan ba niyan yung school ko?" Natataranta kong tanong. Ngayon lang talaga nag-sink in sa akin na wala talaga akong ideya sa pinapasukan ko. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta e.
"Ay, hindi ko ba nasabi sa iyo, anak? Kasabay mong papasok si Xander araw-araw. Wala nga raw tayong gagastusin di ba? Kasama na ata sa tuition yung pagkain ninyo doon, Cade." Parang balewala lang na sabi ni Mama.
"Ano?!" Sabay naming tanong ng kapatid ko, pareho pa kaming napaharap kay Mama. Yung mukha ko, gulat at galit ang ipinapikita. Si Catherine naman, gulat at inggit.
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Novela Juvenil*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...