Chapter 2: The Concert

4.6K 130 5
                                    

"Ma, saan mo galing yung tickets na yun?" Tanong ko kaagad pagkaalis ni Nichole at pagkaakyat ni Catherine papunta sa kwarto niya.

Umiwas ng tingin si Mama saakin, "Umakyat ka na at matulog ka narin, Cade." Utos niya sakin.

"Kay Papa ba, Ma?" Bintang ko sakanya. "Bakit mo tinanggap yun? Sana hindi mo nalang kinuha mga yun. Nakikipag-usap ka parin pala sakanya?" Naiinis kong tanong,

Tinignan ako ni Mama, alam kong nasasaktan siya tuwing si Papa yung topic namin. "Gusto kong sumaya si Cath, Cade. Wala akong pambili ng mga ganoong tickets, kaya sinabi ko sa Papa mo na-"

"Ikaw yung nagsabi kay Papa? Kita mo na, wala parin siyang kusa, wala parin siyang initiative na magreach out samin. Kailangang tayo parin ang first move." Sabi ko sakanya, "Ma naman, hayaan mo na si Papa. Iniwan na niya tayo, wag mo na siyang hayaang makapasok ulit sa buhay natin."

"Cade, ginawa ko lang yun para kapatid mo. Malapit na yung birthday niya, nakita mo ba kung gaano siya kasaya kanina? Hayaan mo na lang yung kapatid mo, nak." Malumanay na sabi saakin ni Mama.

Huminga ako ng malalim, "Last no to, Ma ha? Wag mo na ulit kakausapin si Papa." Babala ko sakanya. Ayaw ko lang kasing nakikita na umaasa ulit si Mama, dati na niyang binigyan ng second chance si Papa pero sinayang parin niya yun. "Tsaka ikaw nalang yung sumama kina Nichole at Cath, ayokong manood ng concert nung Alexander na iyon."

"Ay nako anak, may trabaho ako noon. Hindi ako pwede dahil hanggang gabi ako sa araw na iyon. Kayo nalang tatlo nina Noemi ang pumunta." Pagtanggi niya. "Akyat na ako, Cade. Matulog ka narin." Tatakasan pa talaga ako para hindi na ako makahindi pa.

Tumango ako, pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. "Good night, Ma." Paalam ko habang umaakyat na siya papuntang kwarto niya.

***

"This is it." Masayang sabi ni Catherine. Pumapalakpak pa siya sa bawat sasabihin niya.

"This is really is it." Dagdag pa ni Nichole na pareho rin ang ginagawa tuwing magsasalita.

Kanina pa silang dalawa simula nang maaninag na namin yung Big Dome mula sa window ng sasakyan. Hinatid kasi kami ni Mama dito. Bago ako bumaba, sinubukan kong pilitin na siya nalang ang sumama sa dalawang fanatic nung magcoconcert, at magcocommute nalang ako pauwi pero mariin ang kanyang pagtanggi.

Pareho kong hinawakan ang mga kamay nila para pigilan sila sa pagpalakpak. Tintignan na kasi sila ng mga tao sa paligid namin. Mukha naman nga kasi silang nababaliw. "Awat na, pasok na tayo."

Tumili lang sila bilang sagot.

Grabe, ang daming tao. Mabuti nalang dun sa pla para sa VIP, konti lang kami. Yung mga nadaanan namin kanina, todo bitbit sa mga banners at mga cartolina na hawak nila. Hindi pa sila nakakapasok at nasisimulan yung concert ay haggard at pawis na pawis na sila. May mga t-shirts pa na may iba't ibang pangalan ng fansclub nila, naka-color coding nga ata sila e. Yung dalawang kasama ko naman, hindi nagkulang. May dala din silang glowsticks, hindi ko alam kung saan nila galing. Kapag daw talaga nagco-concert si Alexander, dapat may glowsticks kang dala sa loob.

Ni hindi ko man lang napansin na may pinamimigay na ganon.

Hindi ako kumuha ng saakin, pero pinangkuha ako ni Nichole. Dalawa tuloy ang hawak niya, nag-aagawan nga sila ni Catherine hanggang pagpasok namin sa loob e.

Sinundan lang namin yung nag-g-guide saamin hanggang sa maarating kami sa loob. Marami nang tao sa taas, pero sa VIP row, wala pang katao-tao. Kinuha ng nag-a-assist yung mga tickets namin at ipinwesto kami sa kung saan yung seat number namin. Laking gulat ko nalang at tuwa nina Catherine at Nichole ng malamang sa pinakagitna at pinakaharap kami.

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon