"Miss R, sobrang thank you talaga sa pagpapatulog mo sa amin ng kapatid ko dito sa bahay mo ah? Tsaka sa pagkausap kay Miss Sue na wag muna akong pumasok ngayon sa kumpanya. Salamat. Salamat talaga."
Itinaas niya ang pamaypay niya at binuksan ito, "Ano ka ba, ikaw pa ba? Tsaka wala yun no. Basta may kailangan ka, nandito lang naman ako." Sabi niya.
Ngumisi ako, "Uy, nagiging madrama ka na. Nasaan na yung supladang elitistang Miss R na una kong nakilala?" Biro ko.
"O eto na talaga, sa kalsada kayo matutulog ngayong gabi." Biro rin niya sabay kuha kunwari ng maleta ko upang dalhin palabas.
Tinawanan ko lang siya, "Nasabi narin pala si Miss Sue, Miss R, pwede bang patulong ulit?" Nakakahiya na ako, malaking bagay na nga itong pagpapatuloy niya sa amin sa bahay niya ngayong gabi, pero heto ako hihingi nanaman ng isang pabor.
"Pwede bang itanong mo kay Miss Sue yung address ni ate Diana?"
"Ha? Bakit?"
At doon ko na nga sinimulang ikwento ang lahat sa kanya. Lahat, simula noong nagbago si Papa at noong inakala kong iniwan niya kami hanggang sa pagkakaalaman namin ni Mama kagabi. Hindi na ako umiyak, pero hindi ibig sabihin noon, nabawasan na yung sakit na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong magkwento, sa dami ng nangyari sa buhay ko, inabot ako ng dalawang oras sa pagkkwento, summarized na.
"Jusmiyo naman sayong bata ka." Sabi niya, na tila ba hinihingal. "Bakit mo sinarili lahat ng ito, jusko. Kung ako siguro ang nasa lugar mo, aba't baka matagal na akong sumuko. Paano mo nakeri lahat ng to? Lahat ata ng pwedeng maging problema ng lipunan, naging problema mo. Nakakaloka!"
"Ikaw ang nakakaloka, Miss R. OA mo nanaman eh."
Tinuro niya ang sarili niya, "Ako? OA, ako? Alam mo kung anong OA? Yung mga problema mo. Aba't ke bata-bata mo palang, ang dami mo nang pinagdadaanan. Hindi dapat ganyan no. Dapat happy ka, dapat nasa YOLO stage ka palang!"
"Sus, pauso mo naman, Miss R."
"Osya, tatawagan ko lang si Sue ha? Itatanong ko na kung saan nakatira sina Diana." Paalam niya habang inilalabas ang cellphone mula sa bulsa niya. Tapos natigil siya bigla at pinagmasdan ako. "Kaya mo lahat ng 'to, Cade. Maaayos din ang lahat." Sabi niya.
Niyakap muna niya ako bago siya lumabas, upang tawagan si Miss Sue.
Napangiti ako.
Lord, salamat po talaga dahil binigay niyo itong baklang to sa akin.
***
*ding* *dong*
Pagkatapos ng isang daang oras na pagtayo ko sa harapan ng napakalaking mansion sa harapan ko, nagkaroon din ako ng lakas ng loob na pindutin ang kanilang door bell. Ilang saglit lamang ang lumipas, bago may isang babaeng nagbukas ng pinto. Nakauniporme itong kulay blue na scrub suit. "Ano po 'yon?" Tanong niya.
"Ay- uhm. Nandito po ba si ate Diana?"
Taliwas sa reaksyon na inakala kong matatanggap ko ang kanyang ibinigay dahil pagkasilay niya sa mukha ko, nanlaki ang kanyang mga mata at nagtatalon siya. "Kayo si Cade hindi ba? Aruy josko, Cade de Vega?!" Gulat niyang pasigaw na tanong.
"O-opo?" Nag-aalangan kong sagot sa kanya.
"Ay! Ang ganda-ganda mo naman sa personal!"
Bahagya akong napangiti. "Hindi naman po."
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Teen Fiction*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...