Kapag sa mga pelikula, kapag gumigising ang isang babae, napakaganda nila. Yung tipong ang ganda pa rin nila kahit kamumulat lang ng mga mata nila. Yung parang hindi mo alam kung nagsusuklay ba sila habang tulog o ano dahil maayos parin ang buhok nila pagkagising nila. Yung paraan ng pagmulat ng mata nila na para bang nanaginip sila ng napakamaraming magandang panaginip, nakangiti agad.
Ibahin niyo ang gising ko.
Pag-gising ko, may nakatalukbong na kumot sa akin at nakaposisyon ako sa posisyong kahit kailan ay hindi ko inakalang magagawa ko. Saglit lamang ang kinailangan ko bago ko mapagtanto na nasa sahig na ako ng van at may nakapatong na kumot at unan sa akin.
Gumalaw ako ng konti, pero kaagad na biglang dumiin ang unan na nakapatong sa akin.
Magrereklamo na sana ako nang bigla na lang akong may narinig na boses na talaga namang nagpatigil sa akin at nagpakaba ng sobra.
"Miss R, sige na. Let me stay. I promise not to interfere with whatever shoot you'll have here." Narinig kong pilit ni Xander.
"Alexander, I said no. Hindi pwede, magagalit ang Fairytale."
"But I won't do anything. It's not like guguluhin ko ang shoot." Pagrarason niya.
"Hindi nga pwede, Xander. Go with the rest of your class. Umuwi ka na muna, take this time to rest. Alam kong pagod ka at hectic ang schedule mo."
"Exactly why I need to relax." Pamimilosopo niya.
Ramdam ko na ang paglambot ng boses ni Miss R, "I know, I know. But you're not allowed to dito sa resort. Reserved siya, Xander."
"Okay fine." Maiksi niyang sambit. Ramdam ko sa boses niya ang pagkainis, dahil hindi niya makuha kung ano ang gusto niya.
At tulad ng reaksyon dito ni Miss R, pati ako ay napabuntong-hininga sa pagpayag niya. Akala ko kasi magmamatigas pa siya at magkakaalaman na.
Narinig ko nang sinasara ni Miss R ang pinto, pero may pumigil nito. "Wait, why are you here anyways? Kailan ka pa sumama sa mga set?"
"H-ha? I design some of the clothes in Fairytale, remember?" Ramdam ko ang pangamba sa boses ni Miss R.
"Yes, ofcourse I know. But since when did you go and deliver the clothes yourself?"
"Ngayon lang, masipag ako today eh?"
Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago muling magsalita si Xander. "Hindi eh. Tamad ka. Something smells fishy."
Pasimple ko namang inamoy ang sarili ko sa sinabi niya. Fishy?
"Hala bahala ka, Alexander. Aalis na ata kayo, sumama ka na doon! Chupi!" Pagtataboy sa kanya ni Miss R. Pagkatapos noon, narinig ko na ang pagsara ng pinto. Tsaka palang napalagay ang loob ko at nawala ang kaba ko.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako magsalita. "Yung totoo? Masipag ka today?" Tawang-tawang sabi ko.
Biglang hinila ni Miss R ang kumot na nakatalukbong kanina sa akin. Namamawis siya at medyo namumutla, "He! Kasalanan mo to eh, mamaya magtampo sakin ang alaga ko." Reklamo niya ng naka-pout.
Tumayo ako at umupo sa tabi niya at niyakap siya, "Aww. Sorry na. Treat nalang kita ng maraming panda stuffs kapag nakuha ko na sweldo ko."
"Weh?"
Pigil na tawa akong sumagot, "Oo, promise!" Para kasi siyang bata na may kaaway eh. "Thank you, Miss R!"
***
"It's so nice to see you agan, Darling." Nakangiting bati sa akin ni Ms. Sue sabay halik sa pisngi ko at ng isang mahigpit na mahigpit na yakap. "You look lovely as ever!"
BINABASA MO ANG
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol
Roman pour Adolescents*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandamakmak niyang fans sa buong bansa. Kinababaliwan siya hindi lamang ng mga kababaihan at hindi lamang ng mga kabataan. Lahat, liban nalang kay...