Dear diary,
Pakiramdam ko lahat na lang ng kasiyahan, ang resulta ay kalungkutan.
ULUL. Nagdradrama lang. Pupush ko parin tong pagtretraining ko dito kahit anong mangyari. Huehuehue.
Dumeretso ako sa building ng Bighit Entertainment para sa first day ng training namin. Hinatid ako ni Hanna dahil paalis na din siya at may pupuntahan din siya kaya eto ako ngayon, kinakabahan sa mga makakasalamuha kong mga tao dito.
Habang nagaantay ng mentor sa loob ng dance studio, pinili na muna namin na magkwentuhan about sa mga sariling buhay namin. May mga trainees na mas piniling magtraining dito sa entertainment na to dahil sa tingin nila, alam nilang itratrato sila ng bighit na parang precious gem. Ang ibang trainees naman dito, nagtraining lang para mastalk si bias ng tuluyan. Ang iba, katulad ko, gustong maging idol at mas mapalawak pa o maenhance ang singing/dancing capabilities nila to the next level. Pero hindi parin maiiwasan na may mga taong sobrang yayabang pagdating dito sa usapang training. Yung tipong akala mo alam na nila lahat, akala mo idol na kung kumilos at senior na para makapagyabang. “Hindi talaga maiiwasan yan noona.” Sabi nung isang fanboy ng Bangtan. “Minsan talaga kailangan may eextrang tao na hindi naman talaga karapat dapat yung ugali para dito.
Akala mo naman kung sinong alam lahat.”
“Grabe mga hugot natin ah.”
“Eonni!” Isang medyo edad 14 ang naging kaclose ko na dito. Isang fanboy ng Bangtan at isang gusto lang sumayaw. Dancer itong babae at itong lalaki naman ay singer. “Eonni! Nakikita mo ba yung koreanong yun? Fanboy din daw yun ng Bangtan. Yun nga lang ang weird niya oh. Nagphophone lang siya.”
“Ano naman masama sa pagphophone. Grabe hahaha.”
“No friends kasi siya.”
“Grabe ka naman. Baka naman nahihiya lang mangapproach.”
“Hindi e. Sabi nung ilan, nung inapproach daw nila, hindi daw sila sinasagot. Isnob daw. Feeling ko suplado.”
“Anong talent?”
“Dancer daw yan e. Nagwoworkshop. Pero wag ka pogi daw yan at pwedeng pwedeng maging Idol.” Hindi ko makita kasi nakamask lang siya na itim at nahaharangan ng buhok niya ang kalahati ng mata niya. Pero sa tingin ko kung papasa siya sa looks, pwedeng pumasa siya. Ang puti, ang tangkad, nga lang suplado. Anong sense.
Hindi rin siya pwedeng makapasok sa ugali niya. Anong gagawin niya? Susupladuhin niya yung mga fans? HA-HA
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
