"TANGINA BAKIT NGAYON KA PA NAGKASAKIT?!"
Bunganga agad ang pinutak ko sa kanya matapos niyang gumising. Agad siyang sumimangot sabay ng pagtitig niya sakin ng masama. Ang mata na naman niyang nakakatakot. Asar, hindi ko alam kung anong nangyayari sa buong katawan ko pag tumititig siya. "Ano na namang problema?!" Sabay iwas ng tingin ko sa kanya.
"Para kang nanay ko." Singhal niya. Agad naman siyang natawa pagkatapos.
"Ganto kaming mga babae."
"Ganyan kayo, pag nag aalala."
"U-U-U-U-U-U-ULUL G-GAGO."
"Ayusin mo nga yang buhok mo. Ang pangit mo."
"Alam mo Jaehyun lahat ng babae gumigising ng ganto. Pati si Chorong na inlove na inlove ka, ganto din gumising. Magulo buhok, May laway sa pisngi, Kaya kung ako sa'yo masanay ka na kasi pag nagkagirlfriend ka, baka mayamot lang ang babae sa'yo. Kahit si Chorong baka sigawan ka. hahaha."
Hinipo ko ang noo niya at tinanggal niya na rin ang thermometer niya. Sinat sinat na lang at wala na siyang lagnat pero kailangan niya paring magpahinga. Andaming sakit ngayon, baka makuha niya yung isa sa malala atsaka baka mamaya--
Sandali nga.
Bakit ba ko nagaalala?
Nung nasa Seoul ako, wala akong prinoproblema. Si Jungkook, ang Bangtan, ang EXO, ang APink, ang Red Velvet, at ang iba pang mga fandoms lang ang prinoproblema ko. Especially nung maramdaman ko ang tinatawag nilang 'Love' kay Jungkook. Alam kong hindi basta bias-infatuation lang yun at alam kong malalim.
Kinalimutan ko, pero hindi ko nagawa. Agad na sumaklolo si Jaehyun.
Umalis ako ng Seoul.
At nung umalis ako ng Seoul, wala pa rin naman akong prinoproblema kundi pera, aral, fandom, at pera at aral, at fandom ulit. Paulit ulit. Pero,
Bakit nung bumalik siya,
Iba na ang tingin ko sa kanya.
Hindi na ko galit at suklam na suklam sa kanya.
Naging matino na ko kausap. Medyo okay okay naman na ko sa ugali niya.
Sa sitwasyong ganito, kailangan ko bang iChant ng paulit ulit ang salitang 'Rivalry'? Kailangan ko bang iMemorize at palibutan ang kwarto ko ng mga memo o notes palatandaan na magkaaway kami at asar ako sa kanya? Kailangan ko bang gumawa ng isang nakakaLSS na kanta para matandaan ko ang pangalan niya sa ngalan ng nakakairitang ugali niya?
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
