Last day na ng kahibangan ko dito sa mental hospital na to kung saan nakakulong ako. Nakakabaliw, Isolated, sobrang tahimik; kaya minsan parang gusto ko na lang magheadphone buong maghapon. Wag ko lang marinig ang boses niya. Gumising ako ng umaga at nakita kong nagluluto si Jaehyun ng tanghalian. 11pm na ata at medyo late na ko nagising dahil ang sarap ng tulog ko sa guest room nila. Tinodo ko ang aircon kagabi at dahilan narin siguro ng pagkapagod ko kaya ako nakatulog ng sobrang haba. Sumasakit na ang buong ulo ko pati katawan ko. Ano bang ginawa ko kahapon? Wala naman kundi planuhin ang project namin. Sa sobrang bored ko din ay hiniram ko na lahat ng puzzle ni Jaehyun sa cabinet niya at pinagbabato sa kama kasi wala akong maintindihan. Dahil dun, tinignan ko na lang ang sandamakmak na medals niya.
Bumangon ako at pumunta sa kwarto ni Jaehyun. "Jaehyun-ah. Ako na magluluto diyan. Iwanan mo na yan."
"Hindi mo naman alam kung ano tong niluluto ko eh."
"Ano ba?"
"Chicken cordon bleu."
"Ha?
Kulay asul ba yan?"
"BLEU. HINDI BLUE. Badtrip hahaha magonline ka na lang! HAHAHA."
Napatawa naman ako sa katangahan ko. Oo nga naman. Alam kong hindi ako napunta sa mga mamahaling restaurants pero BLUE? Ay tanga.
Tiningala ko ang cupboard at binasa ulit ang lahat ng medals. Again hindi nga siya mahilig sa sports. Pero mapapaputa ka din minsan kasi sobrang dami niyang best nung elementary.
At nanalo pa siya sa best escort nung middle school. Samantalang ako,
Pwede na siguro ako sa best president ng classroom. "Oo, Elise tama. Ang galing mo. Isa kang mabuting lider kaya best president ka." Bungisngis ko nang biglang bumukas ang pinto.
"BEST REAL TALK."
"TANGINA MO." Binato ko si Jaehyun ng unan niya pero agad niyang sinara ang pinto dahilan ng pinto ang nakasalo ng galit-offering-gift ko kay Jaehyun. Dinig ko ang tawa niyang malakas pero agad naman siyang napasigaw ng aray matapos nun.
Agad akong lumabas para tignan kung ano yun at ang nakita ko lang,
Si Jaehyun na nagkukumpas. Nagkukumpas parang naglelead ng national anthem. Hawak ang tongs sa may kanang kamay at sandok sa kabila. Parang conductor ng isang opera sa concert. "ANO BA YANG GINAGAWA MO?!"
"NATALSIKAN AKO NG MANTIKA TANGA."
"BA'T KA NAKUMPAS?!"
"MASAKIT. IKAW KAYA?"
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanficAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
