61: Fangirl's Diary

1.2K 68 71
                                        

Jungkook







Umuwi ako sa hotel namin bitbit ang ala-ala ng mga sinabi ko kay Elise. Nakakatawa isipin na nagbago na talaga siya. From the moment na nagkita kami simula palang, at nung mga oras na kinukwento niya sakin yung nakakainis na Trainee sa Bighit dahil sobrang yabang, alam ko na agad na sila ang magkakatuluyan. Nakakatawang isipin na pinsan ko pa si Jaehyun. Binago ni Elise si Jaehyun. Vice versa. Parehas silang nagmature at nagbago. Elise - simula sa pagiging immature fan na napakaselfless na mas idededicate ang sarili sa fandom. Nakakalimutang mahalin ang sarili sa mga tao na nakapaligid sa kanya, Ngayon, natuto nang pahalagahan ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya at natuto nang magpahayag ng damdamin niya. Jaehyun - simula bata palang kami, isnabero na siya. Masyadong mature naman ang isip ni Jaehyun na darating sa tipong gusto niya siya na lang magisa dahil napakawalang kwenta ng mga tao sa mundo. Pero ngayon, madami na siyang kaibigan. Siguro eto ang dahilan kung bakit niya sinubukang maging Idol. Pero naisip niyang hindi na niya kailangan yun nang makita niya si Elise. Ang buhay nga naman.


Binuksan ko ang pintuan ng hotel room namin, at agad na tumakbo si Seokjin palapit sakin. "Oh Jungkook ano na nangyari?" Nagaalala lahat ng members at hindi mapakali. I shrug. "Okay lang yan. Madami pang babae diyan. Effective naman yung kunwaring 'Test' na sinabi ko diba? At least nung nagconfess ka, nalaman mo yung totoo. At least nalaman mo din na nagiba na si Elise in a good way. And Jungkook. Don't despise her." Pahabol ni Namjoon.



"WHY WOULD I?"



"Kasi instead na mahalin ka niya, she chose Jaehyun?"



"Nah, I already knew from the start na mahal na nila ang isa't isa. Gusto ko lang sabihin yung nararamdaman ko para tapos na." Para tapos na.









Elise





Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tumatakbo lang ako ng tumatakbo, umaasang makikita si Jaehyun. Dinadaanan lang ako ng mga naglalakad dahil takang taka sila kung bakit ako natakbo ngayong tirik ang araw. Nagtataka sila dahil sa gantong kainit na panahon, natakbo pa ko. Wala na kong paki sa heat stroke. Wala na kong paki sa init. Kailangan ko siyang makita. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Sumasakit na ang batok ko. Hanggang sa may pumasok sa isip ko. "Elise, anong sasabihin mo kay Jaehyun pag nakita mo siya aber?!" Sigaw ko sa sarili ko habang hinihingal. Hanggang sa may sumigaw na bata sa katabing bahay, matinis ang boses, boses babae. Napatingin agad ako sa kanya at ngumiti.



"MOMMY MAY BALIW SA LABAS! I THINK SHE LOST HER MIND." Binawi ko ang ngiti ko sa fake smile. Agad akong kumaripas ng takbo para iwasan ang kahihiyan ko. Pesteng bata. HINDI NIYA PA ATA ALAM ANG MAGKAROON NG PROBLEMA HAYS.

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon