19: Malanding kaklase

1.3K 73 9
                                        

Bihira lang kami magkita na ni Jungkook. Siguro dahilan na rin sa hectic schedule na after class ay dederetso na siya sa Bighit tapos nun magpapahinga saglit at wala pang dalawang oras ay magprapractice na. Naiintindihan ko naman ang asawa ko.

Ano daw?

Bukod sa pagaassume at pagdedaydream kay Jungkook dito sa room, wala na kong ibang ginawa kundi matulog. Gaya ng sinabi ko sa inyo, iba ang klima ng bansang Korea kesa sa klima ng Pilipinas. Kung sa Pilipinas, tuwang tuwa tayo sa aircon at giniginaw tayo sa 18degrees, sa kanila, init na init sila. Bakit? Ang baba ng temperatura nila lagi dito.
Ano ba tong pinuputak ng butchi ko dito? Magreporter na lang kaya ako.

For the first time in forever, absent si Hanna. Ginigising ko siya kaninang umaga pero ayaw niyang bumangon. Tinanong ko kung tinatamad siya, sumagot siya ng oo, pero nung kinapa ko yung noo niya, umaapoy na pala siya sa lagnat. Eto na ata ang babaeng kayang magsinungaling; wag ka lang magalala. Kaya ako kanina, yamot na yamot pagpasok ko dito. 
Ngayon? HA-HA. Wala akong kausap. 
"Sunhi eonni." Ngumiti ako sa kanya. Kung iniisipan niyo na naman ako ng masama, wag naman kayong hard. Wala naman akong gagawing masama sa kanya. Hindi ko naman siya bubully-hin.
Lumapit siya sakin. "Bakit? :)"

"Sino bias mo eonni? Sasapakin kita pag di ka sumagot. hahaha."

"Sa BTS? SYEMPRE SI JUNGKOOK. HAHAHAHAHA KAHIT NAKAKAASAR YUNG UGALI."

"Nakakaasar? Magkakilala kayo?"

"Ha? Ano? Ah. Wait lang ha. Ano yun Kisae? WAIT LANG PAPUNTA NA." 

"Magkakilala kayo." Napatawa ako ng mahina. Agad naman siyang lumapit sakin. "Uy, shh ka lang ah." Bulong niya. "Walang nakakaalam na magkakilala kami eh." UTANG NA LOOB. INGGIT NA INGGIT NA KO DITO SA BABAENG TO. IINGGITIN NA NAMAN AKO. "Kasi ganito yan. Since Elementary pa kami magkakilala. Tapos hanggang ngayon, magkaklase parin kami kasi ayaw ng mga magulang namin na paghiwalayin kami." Tangina. "Kaya hanggang ngayon magkadikit pa din kami. Alam mo ba, napakulit niyan nung bata." Wait lang Sunhi yung puso ko. "Dati kasi naglalaro kami ng habulang gahasa." Puta kung ano man yung larong yon, tingin ko masaya yun pag BTS kalaro mo. "Tapos siya yung manghahabol. Tapos ako yung hahabulin."

"NAHABOL KA?! SABIHIN MO HINDI. SABIHIN MO IMPOSIBLE. SABIHIN MO!!!!!!!"

"Hindi. Nadapa ako. HAHAHAHAHA Nadapa ako at nagkaroon ng sugat. Pero imbis na pagtawanan niya ko. Well, tumawa naman siya pero nung umiyak na ko, lumapit na siya sakin. Tapos bumili siya ng band aid sa convenient store malapit samin tapos nilagyan niya ko nun tas inuwi niya ko sa bahay. Sobrang sweet niya. Naalala ko pa." Sana wag mo na maalala. "Nung umiyak ako dati kasi hindi ako binigyan ng candy nung ale. Ang sabi niya sa ale. 'Ahjumma, marunong ako magtaekwondo. Aawayin kita' tas tawa ng tawa yung matandang yon. Yun pala niloloko lang ako. Hahahahaha those daysss.."

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon