47: Limitations.

1.1K 74 19
                                    

Isang ngiting peke pero mukhang orig ang binigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang response ng katawan ko ng makita ko ang picture na to. Masyadong stiff ang ngiti ko, pati ang katawan ko stiff na din. Ang sarap sabunutan ang sarili mga ganung factor. Diba Elise? Tanga. Sa gwapo niyang yan, walang girlfriend? Sinong niloko mo?

Napagkaitan ako pag dating sa lovelife. Well, ako naman yung tipong walang paki kung single, in a relationship, virgin o hindi,.. Kaya not a big deal sakin DATI ang mga bagay bagay na yan.

Pero ngayon parang gusto kong ipagkait ang pagkakataon. Parang gusto kong layuan si Jaehyun ngayon at parang gusto kong magpasabi ng paalam sa babae sa panlalandi ko kasi wala akong kaalam alam na anlandi ko na pala pag kasama ko si Jaehyun. Talagang ang mga hindi ko ginagawa dati, nagagawa ko pag kasama ko tong lalaking to. Iba. Pero ngayon,

Sa tingin ko, balik sa dati.



Sa tingin ko kailangan kong pumunta sa Time Machine ng Feelings at pindutin ang 'Restart and Past' button kasi gusto kong maulit ang lahat kung saan galit na galit, inis na inis, suklam na suklam, ako sa ugali niya which is DAPAT. It's a MUST. Kasi once na nakilala mo siya,

98% Chance na mafafall kang tuluyan.

NagDM na sa lumang twitter account ko si Taehyung. In'X' ko na ang folder at pinabayaan na lang ang privacy nilang magGirlfriend. "Bakit Elise?"

"Taehyung~ Wala lang. Namiss ko lang kayo. :)"



"MAY PROBLEMA KAAAAAAAAA."



"Tutuloy ako sa path ng pagiging Fangirl. I.E.Erase ko na lahat ng to dito at gagawin ko lang to kasi magkagrupo kami sa project. After nito, wala na. Pagdasal mo na sana maalis to. HAHAHA."



"So... If I'm not mistaken,



NaJUNGKOOK-ZONED ka ulit? Nugu? Lee Jaehyun? Yung poging trainee? 6ACES former member?"



"Oo. At for the second time, naJUNGKOOK-ZONED ulit ako hahahaha."



"At nakakatawa ka pa sa lagay na yan Elise?"



"Not a big deal naman eh. Makakalimutan ko din si Jaehyun. Kumbaga kung nasa loob ako ng fanfic, ang malaking plot twist dito ay nung kay Jungkook, at kay Jaehyun. The fact na parehas pa silang J. HAHAHAHA Focus na lang muna ako sa fandom ano? Sige na, maglalaba pa ko~ HAVE FUN SA COMEBACK PUTA. HAHAHAHA bye."

Tumayo ako sa upuan at deretsong tumalon sa kama sabay titig sa kawalan. Hindi to day dream. Hindi ako nananaginip. Walang iniisip ang utak ko. Bakanteng bakante. Gusto ko lang munang titigan ang kapitbahay. "Elise hindi ka ba kakain?"

"I.record mo ang sarili mong kinukuhanan ang pagkain tas kunwari nagyayaya ka tapos yun na."



"TANGINA GINAGAWA KO NA. BAT MO SINABI SA HARAP NG CAMERA ELISE WTF. KINUKUHANAN NA KITA! HAHA—-"


Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon