"3, 2, 1.. ACTION!"
"I.. I.. I love.— Kailangan ba talaga to Elise?" putangina. Eto na nga bang sinasabi ko eh. May boyfriend kasi tong babaeng to kaya nagiinarte. "SIGE NA JUSKO. TAKE 20 NA TAYO. KATING KATI NA TONG PWET KONG UMUWE! PAULIT ULIT LANG SINASABI MO KUNG KAILANGAN BA YAN. MALAMANG SA GILAGID NI SUGA NA OO! KAILANGAN YAN. MAIINTINDIHAN KA NG UGOK NA YON! ITULOY MO NA YUNG I LOVE YOU PUTARAGIS." Hindi ko kaya 'to. Grabe ang daming arte ng mga kaklase ko. Ang sarap nilang isuksok sa ilong ni Jungkook. "DALI GUYS JUSKO NAMAN. Gabi na oh! Hindi niyo ba alam na kapag gabi, tumataas ang pamasahe?! Kaya please guys cooperate."
Napapakamot sa ulo si Hanna. "Okay na. 3, 2, 1, Go!"
"NO! It's just that.. I.. love.." Konti na lang.
"you." HAY SALAMAT SA DIYOS. "CUT!"
——————
"G na G ka kanina ah. (G na G - Galit na galit), Ano bang problema?" tinatanong mo kung anong problema? tinatanong mo Hanna?! Jusko hindi mo alam Hanna kung gano kasakit ang magkaroon ng bente pesos sa wallet mo ngayong inannounce na yung date ng concert tapos idagdag mo pa yung pamasahe mo. bente - pamasahe = limang piso. Ano? Limang piso ibabayad ko sa Cashier? Ano? "Ate Isa nga pong royalty ticket. eto po pera ko. limam piso." Baka gusto niyong sapakin ako ng cashier girl.
80 pesos baon ko. HINDI KO MAPIGILANG KUMAIN EH. :V "Wag mo na ko tanungin kung ayos lang ba ako. Kasi 1st week of september na wala pa kong naiipon. 10,000 pesos ang royalty. Sa 10,000 na yun makakausap at makikita mo na bias mo. At putaragis nasa harap ka pa sa concert. Ikaw ba bakit hindi ka ba nagiipon?"
"Eh nakaipon na ko eh. Since pa nung pumasok ako sa fandom nagiipon na ko. Nakaipon na ko ng 15,000. Which is fixed na yun para sa concert. Tas this year nakaipon ako ng 5,000 for merch na yun. Bukod na yung mga naiipon ko. And since na magcoconcert na nga ang Bangtan dito sa bansa, Yung 15,000 na naipon ko simula 2nd year, magagastos ko na siya and *—* oh my god Jiminnie— ay sorry— hihihi" OKAY LANG AKO HANNA. :CC
Hinalungkat ko yung bag kung makakakita pa ko ng pera. Hanggang sa kasulok-sulukan ng bag ko. "Ay Elise. May nakaipit na 50pesos sa Physics book mo."
"SAAN?! SAAN?! AY JUSKO SALAMAT—" Saved na ko. may 50 na kong ipon. ACHIEVEMENT. "Oh sige na Hanna dito na ko sa palengke. Una na ko. Babay."
TIPS sa pag #iponing:
1. Maghalungkat sa school bag at sa bahay kung merong naliligaw na pera. Lalong lalo na sa bag mo.
2. HUWAG manghihingi sa nanay ng sobrang laking pera. (mahahalata niya kung saan mo gagamitin.) mga pabente bente lang tapos alternate ka manghingi.
3. Kung malapit lang ang bahay, MAGTIPID. Aba puta, ang lapit ng bahay mo magtratricycle ka pa? Magdala ka ng payong kapag naulan. Pag wala kang payong, ifeel mo na MV yung ginagawa mo tapos kumanta ka ng ballad na KPOP song.
4. Medyo bawal to sa school pero alam ko ginagawa niyo naman to. Mangalog sa kaklase. Wag O.A kasi hindi ka bibigyan. Mga palima limang piso lang or tres. Nakakatulong yon! Isipin mo na lang kung tres yung kulang sa pera mo. Yung tres yung magsasalba sa buhay mo. TIPS: gamitan ng aegyo kung cute ka.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
