Jungkook's POV
"Ha? Hahahaha ganun ba? sige sige. Bye.
I miss you. :)"
Ibinaba ko ang telepono. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nakita kong nakatingin at nakatitig sakin ng dismayadong si Taehyung. Seryoso akong tumingin sa kanya. Tumalikod siya, ibinaling ang tingin sa iba. "Hyung." Tawag ko.
Agad siyang lumingon at huminga ng malalim.
"Wala ka bang.
Balak sabihin to sa lahat? Alam mo Jungkook? Ako ang kinakabahan sa'yo." Napatungo ako. Pero kahit anong iwas ko, dadating at dadating din to. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Elise's POV
"NUMBER HANNA! NUMBER!" Bigla akong nabilaukan sa paginom ko ng tubig. "Dahan dahanin mo lang kasi. Para kang mamatay e."
Sabi ng matatanda, kapag nabilaukan ka, naubo habang lumulunok, nakagat ang dila o labi, ibig sabihin daw nun, may nagiisip sayo. Humingi ako ng number kay Tita at kay Hanna at agad naman silang nagbigay.Sabay.
Walang nauna, walang nahuli. "Sige kukunin ko na lang yang dalawa. Hmmm.. 10 at 20?
A,B,C,D,E,F,G,H,I,J. J? OMG SI JUNGKOOK?! OMG OMG OMG. SINO YUNG ISA?!?!?!?!?! J, K, L, M,N,O,P,Q,R,S,T? T? OMG SI TAEHYUNG?! OMG OMG OMG. SI TAEHYUNG! SHT SHT. BAKIT KAYA?! BAKA NAGYAYADONG ANG VKOOK?!"
"WAG KA NGANG BYUNTAE. NASA HARAP KA NG PAGKAIN OH. TANGINA." Tapik ni Hanna.
"WAG KA NGANG MAGMURA. NASA HARAP NG PAGKAIN OH." Sunod ni Tita.
"WAG NGA KAYONG MAGAWAY NASA HARAP NG PAGKAIN OH." Singit ko.
"Edi wag na lang tayong kumain. Nahiya na yung pagkain e. Ang big deal niyo." Tawa ni Hanna.
Hindi ko alam kung bakit pero pagkatapos na pagkatapos kong mabilaukan, bigla akong kinabahan. Is it because pinaguusapan ako nung dalawang ugok na yun? Or naeexcite ako? Kasi magkaparehas lang daw ang feeling ng kinakabahan sa naeexcite. Parehas lang daw namamawis ang kamay, parehas lang na mabilis yung tibok ng dibdib mo.
Pero kung ano man to, sana naman maayos ayos yung magiging resulta. At kung magiging masama, sana naman wag si Jungkook or si Taehyung. Nakakaramdam ako ng masamang pangitain sa pagkasamid ko kanina.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
Hayran KurguAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015