[Elise, Wag ka magairplane mode. May text ako sayo. Alam kong aksayado sa battery ang pagstand by ng wala namang inaabangang text pero importante to Elise. Tama na muna sa airplane mode.~]
Tulog pa ang lahat sa loob ng bahay. Katabi ko si mama, kaya dahan dahan akong tumayo at binuksan ang internet. Nakikita kong nagbliblink blink na siya at hindi naman masyadong halata kaya okay lang. Yung mata ko ay " O_- " ang itsura dahil sobrang aga kong nagising. 5am? Sige andilim pa sa labas.
Tumalikod ako sa nanay ko at marahang binuksan ang twitter ko. Nakita ko ang tweet ni Hanna na kagabi pa at in-off ko na ang airplane mode ko.
"Elise. Pumunta ka dito sa bahay ng 7am sharp. Pag wala ka dito, iiwanan ka ng kotse namin ulit. Okay? Wag kang magalala kasi hindi naman kita sasapakin dahil naiinggit ako at niyakap ka ni Jimin or what. Gigilitan lang kita ng buhay. Joke. Hahahaha hindi ko pa pala nakukwento sa'yo na niyakap din ako ni Jimin nung hindi nakatingin yung mga manager because ako nasa last line because I'm fab. Okay? Okay. Punta ka dito."
"Oo na. Sige na."
"Ang aga magising ah?"
"Putangina mo ikaw yung mas maaga."
"Matulog ka muna gaga ka. Baka mamaya deadbat ka sa concert Elise. Hahaha. Punta ka dito 7am sharp ah. May surprise ako sa'yo."
6:50am
Nasa labas na ko ng bahay ni Hanna. Ang laki. Oo. Okay lang ako at yung nararamdaman nung bahay namin.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong suprise sakin nito kasi sobra sobra na talaga as in yung mga suprise na binibigay niya sakin. Una yung iPhone na regalo niya sakin. I mean nung nanay niya. Tapos isunod mo pa yung album diba? Kaya hindi ko alam kung ano na namang surprise ang ibibigay sakin nito.
Hikab pa ko ng hikab dahil hindi ko alam kung may doorbell ba sila o wala dahil katok lang ako ng katok. Hanggang sa may narinig akong boses. "Welcome."
"Putangina mo sino ka? Ba't boses radio ka? Anong station ka? Nagulat ako sa'yo jusq."
"Welcome to Samonte's residence, how may I help you?"
"Unang una sa lahat, hindi ako porenjer. PAPASUKIN MO NA LANG AKO KASI GINIGINAW NA KO DITO SA LABAS. UTANG NA BABA NI HOSEOK."
"Elise. Pasok na. Baba pa more." Boses na ni Hanna.
Dahan dahan kong binuksan ang gate at syempre nagkunwaring narampa ako sa JS prom kasi ang ganda ng bungad ng bahay. Yung tipong amoy mo yung fres eyr. tapos yung malamig na hangin. Para kang nasa probinsya.
Kumatok ako at pinagbuksan ako ng pintuan ni Hanna. Nakapambahay pa siya pero yung pambahay niya, panggala ko na. Oh diba. Rits kid e. Pero kahit ganun, mabait naman and there's something to be proud of naman kahit papano.
Umupo ako sa sofa nilang sobrang lambot na parang gusto mong magpalamon. Humiga ako at sinalpak ang earphones ko at nagpatugtog. Nanatiling naka nganga ako ng ilang segundo habang ang mga mata ko'y pungay na pungay. "ah~ Jungkook ah~"
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
ספרות חובביםAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
