3: Winter

2.9K 135 35
                                        

"SI JUNGKOOK BIAS MO?!" Sigaw ni Hanna sa Canteen. Diba sabi ko nga sa inyo, punong puno ng mga KPOP dito sa amin, kaya karamihan ng mga babae tumingin sakin. "Tangina naman Hanna oh, Jeje pa ko sa bangtan."

"Pano ka naman naging jeje. Eh matagal ka na sa KPOP no. Kaya mo ngang maghangul eh. Tsaka since elementary ka pa naadik diyan sa KPOP. Idagdag mo pa album ng Ukiss na binili mo dati." Sa totoo lang halos sinasalpak ko pa din yung CD nun tuwing bagong taon. Ang ganda kasi ng beat. Tas yung mga kapitbahay namin nakikijamming sa kalsada. "Anong gusto mong regalo sa pasko?"

"Yung kagandahan mo."

"SERYOSO AKO ELISE."

"Wala. Kahit ano naman tinatanggap ko eh."

"Sige may naisip na ko eh."

"Pag kalokohan yan at garapon na may palaka sa loob, papakain ko yan sa'yo Hanna seryoso ako.
At tsaka bakit ka nagtatanong? 2nd week pa lang ng December? In fact 3rd year palang tayo, wag ka nang bumili ng mga mamahalin kasi kahit fishball lang sa kanto ayos lang sakin. Alam kong naghahanda ka ng malaking regalo eh. 
Isa pa, wala din akong mabibigay sa'yo na regalo." Nginitian niya na naman ako na parang timang. Ano bang problema nitong babaeng to? May sapak ata to eh. 

—————

Christmas party. Hindi naman to ang hatest kong programs. In fact makakatanggap na naman ako ng frame, Alarm Clock, o Mug na koleksyon ko na sa bahay. Siguro naman hindi na nila ako ibibili ng ganun diba? 
Dahil rich kid nga mga nagaaral dito, pumayag yung adviser namin na 500php ang gawin exchange gift. Sa mga gusto daw tumaas pa ng 500php is ayos lang daw. Ang ibibigay ko sa nabunot ko? Pabango. Yun yung nasa wish list niya edi go. HOY HINDI KO TO HINGI SA NANAY KO AH. Ipon ko to mismo. Ayoko ngang humihingi sa nanay ko diba?

"Okay magiistart ako sa nabunot ko. Eto yung tulog ng tulog sa klase ko, at kahit anong gising ko ay ayaw magising. Medyo nalakasan ko ata ang aircon. Pero malambing naman siya. Jerisse~" Puta. Kailangan ng speech?! 

*Binuksan ni Jerisse ang regalo*

"GOSH?! (kasi sossy) OMG THANK YOU!" Hala umiiyak siya kasi 'Four' album ang binigay sa kanya + merch. Sa pagkakaalam ko, One Direction album iyon. Niyakap niya yung adviser namin at nagtutumalon siya sa tuwa. Okay medyo nanginig din ako. Kung album din mabibigay sakin baka masapak ko yung magbibigay sa sobrang tuwa pero, hindi ko naman nilagay na Bangtan album ang ibigay sakin. Ipapashipping pa nila yun galing SOKOR at months pa siguro ang bibilangin kaya. Ang nilagay ko sa wish list ko,  'Kahit ano. Basta 500php.'  Oh diba. Wala nga kasi akong paki kahit anong iregalo sakin. Di naman ako maarte e.

Hanggang sa makarating na nga kay Hanna. NapakaGenerous nito alam ko. Kaya ang swerte ng mabubunot nito. Yung damit niya. Anlakas makaKPOP. Ang ganda niya pumorma samantalang ako, Miniskirt, tas sweater shirt tas yun na. Oh diba. 

"Ang nabunot ko ay isang taong walang paki sa buhay. I mean, basta makatapos ng pagaaral, Tapos. At dahil naboboringan ako sa buhay niya, buti naman nahigit ko siya papasok ulit sa KPOP. HAHAHAHAHAHA Eliseeee~" 

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon