30: Impact

1.3K 66 13
                                        

 A/N: NANGANGALAHATI NA YUNG STORY NI ELISE. SALAMAT SA PAGBABASA. SALAMAT SA PAGHIHINTAY. :DDDD


Dear diary, 

Napansin mo ba na medyo sinusulatan na kita? Medyo madaming nangyayari na sa buhay ko eh. Dito ka na nagkakahalaga.
Anong meron ngayong umaga?

Itinutok ko ang heater sakin sa sobrang lamig na naman. Iginala ko ang mga mata ko mapamula sa kisame hanggang sa paa ko; Pinakiramdaman ang paligid hanggang sa makita ko ang isang panyo sa may lamesa sa tabi ko.
Inisip ko nga pala magdamag kung pano ko isasauli yung panyong yun. 

A. "Salamat oppa. Eto na yung panyo." - Hindi.. Masyadong malandi.

B. "Salamat. Linis na linis na yan. Wala ka nang dapat ipagalala." - Para akong nakikipag hamon ng laundry battle o magaadvertise ng sabong panlaba.

C. "Oh panyo mo." - Parang wala namang gratitude.

Letter B na lang. At least kung tatanungin niya yung sabong panlaba na ginagamit ko, magiging proud pa ko. Baka mapataas ko yung ratings ng product nila kung iaadvertise ko sa kanya. Sa puti niya na nagiging kakulay na niya yung puting V neck shirt niyang soot nung isang araw at sa tangkad niyang yun, aba. Sinong hindi siya ihahire bilang model? In fact, Mukha palang, panalong panalo na ang bighit. Siya yung tipong hindi sobrang tapang na mukha na matatakot ka pag tinitigan ka. Ayun na yun. Ayun na nga yun. Anghel ang mukha niya sige sasabihin ko na. Yung itsura niya hindi bumabagay kapag naiinis or nangiisnob siya. 
Ni hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti ni minsan. Tawagin na lang natin siyang, Angel of Ice. Since na cold siya na mukhang inosente at sa tingin kong hindi papalya ang kahit anong aegyong gawin niya, bagay na siguro tong pangalan na binigay ko sa kanya. Sige hindi man siya kamukha ni Jungkook, pero andun yung looks eh. Sabihin na lang natin na, 

Kamukha niya si Lee Jong Suk. (Search google for image kung hindi niyo siya kilala)

Eto yung nasa dulo na ng dila ko nung nakita ko siya. Yung tipong mapapaputa ka kasi sobrang hawig. Though mas matangkad siguro si Jongsuk ng konti kasi nahuli kong nagfifilm sila ni Shin Hye sa may kalsada malapit sa convenience store, pero sa tingin ko naman kuha ng looks. Ang nunal lang siguro sa mata ni Jongsuk ang wala siya. Other than that, Eyes, Nose, Lips, 

Copy paste.

---

Matagal ko nang hindi nakakausap si Jungkook. Okay yun, ayokong mafall sa kanya ng sobra sobra at ito lang siguro ang paraan. Siguro sabihin na nating, meron parin akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko naman maaalis agad to na parang taeng isang flush lang wala na lahat. Parang sa bowl. Kapag tumae ka, minsan may mga konti konting taeng natitira. Parang sa feelings ng tao. Hindi agad agad mawawala. 
Sa ngayon, mas mabuti nang pagtuunan ko ng pansin ang pagaaral ko at ang pagtratraining ko sa bighit. Siguro pansin pansinin, kilig kilig, fangirling, spazz, pero yung sabihin mong ako ang lalapit? Hindi na siguro. Baka lalo lang akong mahulog, wala namang sasalo (Okay lang ba kung si Taehyung sasalo, Joke)

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon