35: Infatuation - Inspiration

1.1K 64 6
                                        

Siguro mas bagay sa kanya ang Summer gaze na fansite name..

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. White ceiling, Black na aparador, Itim na Kumot, Puting unan, 

Kelan pa naging Black and White ang theme ng kwarto namin ni Hanna?! 

Iginala ko ang mata ko. Bago ako maghysterical pinakiramdaman ko muna kung anong nangyayari sa paligid since na medyo sumasakit yung katawan ko at nasisilaw ako sa ilaw. Lumingon ako sa tabi ko gamit lang ang mata ko. Dinatnan ko ang isang kamay na nakahawak sa kamay ko.

Nagkunwaring nangisay ako dahil sa panaginip. Nagkunwari akong nahulog sa building sa panaginip para magising din si Dry Ice na nakahawak sa kamay ko. Agad naman siyang naalimpungatan

 "AH?! Ano nga ulit. Asan na ko?! Step 2, after ng ilang minutes, ilublob ulit sa tubig at pigain ulit ang twalya at ilagay sa noo ng pasyente. Ah. So paulit ulit ko lang gagawin to?" Anong gagawin? 

Twalya? May lagnat ba ko? 

Hinayaan kong magpalipas oras akong oobserbahan si Dry Ice. Nakaputing V neck shirt siya at pantalon. Still yung buhok niyang nabasa ng ulan, gulo gulo padin. Siguro pinatuyo niya lang ng twalya at hindi na nagblower. Teka?

Bakit iba tong soot ko!?

"HOY MAHABAGING NAGYEYELONG ANGHEL NA KAMUKHA NI LEE JONGSUK. HINUBARAN MO BA KO!? BAKIT--"

"Higa."

"AYOKO!"

"Higa."

"Sige." Humiga ako, madali naman akong kausap huehue. "Bakit iba na ang damit ko?! Binihisan mo ba ko?! Sabihin mo nga."

"Sabi mo kaya mong magbihis. Edi pinabayaan na lang kita, nirereklamo mo sakin yang bra at panty mong basa eh hindi naman ganun ka basa."

"CHINECK MO YUNG BRA'T PANTY KO?!?!?!?!"


"Higa."

"AYOKO!"

"Higa."

"Ge. Pero anong ginawa mo sa bra't panty ko."

"Alam mo Elise, Kung basa nga yang bra mo, edi sana bumakat na yung bra mo sa Tshirt kong soot mo. Eh hindi naman e. Baka lamig lang or natuyo na agad." Tumawa ako ng sobrang awkward dahil sa kahihiyan ko. Pero bakit hawak niya yung kamay ko kanina? Hinihintay niya ba na magising ako o hinihintay niya lang yung minutes na nakalagay sa wikihow kung ilang minutes yung twalya sa noo ko? "Nilagnat ka dahil sa ulan kanina. Nagluto ako ng soup." Dagdag niya. Sa tingin ko naman edible to o makakain. 

Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon